OFW na janitor sa France, ipinakita ang mansion na kanyang naipatayo sa Pampanga

OFW na janitor sa France, ipinakita ang mansion na kanyang naipatayo sa Pampanga

- Kahanga-hanga ang naipundar ng isang OFW sa Paris , France na kanyang ipinasilip sa Idol in Action

- Maging si Raffy Tulfo ay napa-wow sa laki at sa ganda ng mansion ng OFW na kanyang naipatayo sa Pampanga

- Taong 1993 pa nang magtungo ang OFW sa France at dala ng kanyang sipag at determinasyon, nagbubunga na ang kanilang mga pinaghirapan

-Bukod kasi sa janitorial services at patuloy silang nagtatrabahong mag-asawa kaya naman hindi kataka-takang naabot na nila ang kanilang pinapangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinagi ni Raffy Tulfo sa programa niyang Idol in Action ang nakamamanghang kwento ng OFW na si Arnold Mojica.

Nalaman ng KAMI na kasalukuyang nasa Paris, France si Arnold at ang kanyang pamilya.

Taong 1993 pa nang siya ay maghanapbuhay sa France hanggang sa magkaroon na ng maayos na papeles.

Read also

Reymark Mariano, inulan ng tulong dahil sa nakakaantig niyang kwento

OFW na janitor sa France, ipinakita ang mansion na kanyang naipatayo sa Pampanga
Photo from Arnold Mojica (Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mula sa trabaho sa isang restaurant, nagkaroon umano sila ng janitorial services. Bukod dito, patuloy pa rin silang nagtatrabaho ng kanyang misis.

Dahil sa kanilang kasipagan at determinasyon, kitang-kita na nagbunga na ito dahil sa laki at ganda ng kanilang mansion sa Pampanga.

Maging si Raffy Tulfo ay napa-wow nang makita ang 3,000 square meters na lupain kung saan nakatayo ang kanilang magarbong tahanan.

May lima umanong bedrooms at kayang mag-park ng higit pa sa apat na sasakyan.

Talagang inspirasyon ang hatid ni Arnold sa mga kababayan nating OFW na ipagpatuloy lamang ang kasipagan dahil tiyak na magbubunga naman ito ng kaginhawahan balang araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Gamer, deadma sa pagkakabangga ng bus sa bahay nila habang siya ay naglalaro

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bukod sa pagbibigay aksyon sa mga sumbong ng mga naaapi, kilala rin si Tulfo bilang "Idol Raffy" na tumutulong sa mga kababayan nating kapos-palad.

Malapit din sa puso ni Tulfo ang mga OFW na araw-araw niyang binabati at pinupuri bago siya magsimula ng programa niyang Wanted sa Radyo tuwing hapon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica