Raffy Tulfo in Action community pantry, nag-iikot na sa Metro Manila

Raffy Tulfo in Action community pantry, nag-iikot na sa Metro Manila

- Nagsimula nang mag-ikot ang 'Raffy Tulfo in Action Community Pantry'

- Naglalayon kasi itong mag-ikot sa ilang mga barangay sa Metro Manila upang mamahagi ng mga pagkain at ilan pang pangangailangan ng ating mga kababayan

- Puno ang bayong na kanilang pinamamahagi sa mga kababayan natin lalong naghikahos dahil sa pandemya

- Nauna na silang namigay sa Brgy. North Bay Blvd South, Kaunlaran, Navotas City at Brgy. Commonwealth sa Quezon City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging ang Raffy Tulfo in Action (RTIA) ay nakiisa na rin sa pagkakaroon ng community pantry.

Nalaman ng KAMI na nitong Sabado, Mayo 22, sinimulan na ng RTIA team na mag-ikot sa ilang barangay sa Metro Manila.

Una nilang binisita ang Barangay North Bay Blvd. South, Kaunlaran, Navotas City at Barangay Commonwealth sa Quezon City.

Raffy Tulfo in Action community pantry, nag-iikot na sa Metro Manila
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sunod nilang binisita ngayong Mayo 23 ang Barangay Payatas, Quezon City at ang Barangay 64 sa Tondo, Manila.

Read also

Mayor Isko, ibinida ang model unit ng ipinatatayong 'Tondominium'

Puno ang bayong ng mga pagkain tulad ng 5 kilos of rice, 2 canned sardines, 2 canned sausages, 2 canned corned beef, 2 canned meatloaf, 2 pcs of instant noodles, 2 pcs of instant pancit canton, 1 pack of crackers for adult, 1 pack of biscuits for kids, at 5 twin packs of instant coffee mixed.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bukod sa mga pagkain, kasmaa rin sa bayong ang hygiene kit at mga face mask at alcohol bilang proteksyon pa rin sa COVID-19.

Pinasalamatan din ng team ni raffy Tulfo ang LYKA community, Ultra Mega Supermarket, LGU ng mga lugar na kanilang binibisita gayundin ang Philippine National Police.

Gayundin ang ACT-CIS na siyang nagpahiram umano ng sasakyang ginagamit nila sa pamamahagi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jam Magno, sinabihang "sore losers" ang mga bashers niya

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay natulungan ni Tulfo ang mga babaeng na-bash dahil sa umano'y panlilimas nila ng laman ng isang pantry sa Kapitolyo, Pasig.

Nakiusap na rin si Tulfosa publiko na tigilan na umano ang babae sa viral video lalo na at nadadamay na rin ang mga pamilya nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica