Jam Magno, sinabihang "sore losers" ang mga bashers niya

Jam Magno, sinabihang "sore losers" ang mga bashers niya

- Matapos nga ang Miss Universe 2020, tuloy pa rin ang pambabatikos ng ilang netizens kay Jam Magno

- Ang ilan sa mga ito ay ipinagtanggol si Rabiya Mateo na binanatan ni Magno kaugnay sa naging opinyon nito

- Matatandaang maging ang pananamit at fashion sense ng beauty queen ay kanyang pinuna

- Kaya naman, marami sa mga Ilonggo ang umalma at maging ang mayor ng nasabing lungsod ay bukas sa pagdeklara kay Magno bilang persona non grata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang video ni Jam Magno, muli nitong binanatan ang kanyang mga bashers na aniya ay mga sore losers lamang. Aniya, hindi siya apektado sa mga pamba-bash sa kanya online dahil madali lamang daw itong solusyonan.

5th article Entertainment News Entertainment News Entertainment News Entertainment News
Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Rabiya Mateo, game na game sa paghataw kasama si Miss Canada sa isang video

"Need I remind you that being bashed on the internet is not something that's such a big deal. You know why? You turn off your phone, and it all goes away..."

Dagdag pa niya, ang mga pinakitang asal ng mga bashers niya ay sumasalamin lamang sa kanilang sinusuportahang kandidata.

Wala nang binanggit na pangalan si Magno. Gayunpaman, marami sa mga Ilonggo pageant fans ang bumatikos sa kanya matapos nitong punahin maging ang fashion sense ni Rabiya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Rabiya Mateo ang naging pambato ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October 24, 2020.

Kamakailan ay emosyonal na humingi ng dispensa si Rabiya matapos madismaya ng ilang Pinoy pageant fans kaugnay sa kanyang national costume.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Iloilo City Mayor, bukas sa pagdeklara kay Jam Magno bilang persona non grata

Isa si Rabiya sa kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Umabot na ito sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Matatandaang emosyonal na humingi ng dispensa si Rabiya dahil sa pagkadismaya ng ilang Pinoy pageant fans kaugnay sa kanyang national costume. Gayunpaman, marami rin ang humanga sa kanya matapos mapag-alamang 21 kilos pala ang timbang ng kanyang sinuot na pakpak na kanyang inirampa suot ang high heels.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel