Iloilo City Mayor, bukas sa pagdeklara kay Jam Magno bilang persona non grata
- Hindi nagustuhan ng karamihan sa mga tagasuporta ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe ang mga patutsada ni Jam Magno laban kay Rabiya Mateo
- Kaya naman, marami sa mga netizens na nagmula sa Iloilo ang nag-udyok sa Iloiloi City mayor na ideklarang persona non grata si Magno
- Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, bukas siya sa posibilidad lalo kung iyon ang nararapat sa kanya base sa paniniwala ng mga Ilonggo
- Matatandaang binatikos ni Magno si Rabiya kaugnay sa naging opinyon nito at hindi din nito pinalampas ang fashion sense ni Rabiya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami sa mga tagahanga at tagasuporta ni Rabiya Mateo ang nanggalaiti kay Jam Magno kaugnay sa mga maging pahayag nito laban sa pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo.
Bunsod ng kanyang mga naging patutsada laban kay Rabiya, madami sa mga Ilonggo ang nag-udyok sa Iloilo City mayor na ideklarang persona non grata si Magno.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kanyang pahayag nitong Linggo, May 16, 2021, sinabi ni Mayor Jerry Treñas na bukas siya sa suhestiyon na ito ng mga Ilonggo kung sa tingin nila ay iyon ang nararapat na gawin kay Magno.
“If Ilonggos think she deserves it, why not?”
Ang persona non grata ay isang Latin phrase na nangangahulugang "unwelcome person". Ang pagdeklara sa isang tao bilang persona non grata ay nakasaad sa 1961 Vienna Convention on Diplomatic Relations.
Base sa DILG Opinion no. 30 series of 2020, ang pagdeklara ng persona non-grata ay ginagawa ng mga local sanggunian sa bansa sa pamamagitan ng pagpasa ng resolusyon.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nakatakdang maganap ang Miss Universe 2020 coronation night sa darating na May 17, 2021 Lunes (Manila time) sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, United States. Ang ika-69 na edition ng Miss Universe ay naantala dahil sa pandemya. Nakatakdang ipasa ni Zozibini Tunzi ng South Africa ang korona sa tatanghaling Miss Universe 2020.
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay nagpakitang-gilas si Rabiya it ibinida ang kanyang "Hala-bira walk." Ang "Hala Bira Walk" ay mula sa kilalang festival na Dinagyang na dinadaos sa Iloilo City kung saan nagmula si Rabiya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh