Catriona Gray, pinanindigan ang kanyang napiling "Top 6 National Costumes"

Catriona Gray, pinanindigan ang kanyang napiling "Top 6 National Costumes"

- Matapos ang pagrampa ng mga kandidata sa kanilang national costume sa Miss Universe 2020, nagbahagi ng kanyang mga nagustuhan si Miss Universe 2018 Catriona Gray

- Ibinahagi niya ang anim na bansang pasok sa kanyang top 6 para sa nasabing kategorya at hindi kasali si Rabiya Mateo sa kanyang napili

- Dahil dito ay marami sa mga Pinoy pageant fans ang umalma at binatikos si Catriona

- Pinanindigan naman ni Catriona ang kanyang pahayag at sinabing bumase siya sa nagustuhan niyang costume at hindi sa performance ng kandidata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nakaligtas si Catriona Gray sa pambabatikos ng ilang pageant fans na tagasuporta ni Miss Philippines Rabiya Mateo matapos ihayag ni Cat ang kanyang Top 6 para sa national costume.

Kinabilangan ito ng mga pambato mula sa bansang Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine at Vietnam.

Read also

Rabiya Mateo, hinangaan dahil sa kwento sa likod ng kanyang national costume

Miss Universe 2018 Catriona Gray, pinanindigan ang kanyang Top 6 National Costumes
Miss Universe 2018 Catriona Gray (@catriona_gray)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para sa ilang mga tagasuporta ng pambato ng Pinas, hindi maganda na hindi nito sinali si Rabiya sa kanyang Top 6.

Gayunpaman, pinanindigan ni Catriona ang kanyang mga napili at sinabing bumase siya sa mga national costume na sa tingin niya ay maganda at hindi dahil sa performance ng mga kandidata.

My best in National Costume picks are my favorite National Costumes, not based on the candidates performance. I love the celebration of culture and a country's expression of identity which is why its one of my favorite segments! @MissUniverse

Sa kabila ng pambabatikos, sinabi din ni Catriona na karapatan ng bawat isa na magpahayag ng kanilang opinyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Jennica Garcia, nagbahagi ng payo tungkol sa pagtanggap sa pagbabago

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe noong 2018.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Habang papalapit na ang coronation night ng Miss Universe 2020, isa si Catriona Gray sa mga personalidad na iniintriga dahil sa kakulangan umano ng suporta nito sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Isang araw bago ang National Costume competition ay nag-tweet si Catriona na nagpapakita ng suporta kay Rabiya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate