Mayor Isko, ibinida ang model unit ng ipinatatayong 'Tondominium'

Mayor Isko, ibinida ang model unit ng ipinatatayong 'Tondominium'

- Ipinasilip ni Mayor Isko Moreno ng Lungsod ng Maynila ang model unit ng ipinatatayo nilang "Tondominium"

- Ito ay in-city vertical public housing project ng kanilang lungsod para sa kanilang mga mamayan sa Vitas, Tondo

- Matatandaang una nang ipinasilip ni Mayor Isko ang townhouse project nila sa Baseco

- Ilan lamang ito sa maraming proyekto na nagawa sa Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Moreno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinida ni Mayor Isko Moreno ang model unit ng ipinatatayong Tondominium.

Nalaman ng KAMI na ito ay isa lamang sa mga housing projects ng Lungsod ng Maynila.

Sa kanyang Facebook post ngayong Mayo 21, ipinasilip ni Yorme Isko ang napakaganda at eleganteng model unit na mukha talagang condominium ang dating.

Mayor Isko, ibinida ang model unit ng ipinatatayong 'Tondominium'
Photo: Isko Moreno (Isko Moreno Domagoso)
Source: Facebook
"Nakita na ba ninyo ang Model Unit sa Tondominium 1, ang ating in-city vertical public housing project for the poor and renters, sa Vitas Tondo? Tara silipin natin!"

Read also

Chito Miranda, nilinaw ang post sa pagpapabakuna matapos kwestyunin ng netizens

Maraming netizens taga-Maynila man o hindi ang napa-wow sa ganda ng unit na inilaan ng alkalde sa mga mangungupahan at maging ang mga naghihikahos na mamamayan ng lungsod.

Tamang-tama ang laki para sa pamilyang may nasa 4-6 na miyembro at sapat lamang ang laki at espasyo ng dalawang kwarto.

Kaya naman masasabing masuwerte ang mga papalaring makatira sa mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dalawang linggo lamang ang nakararaan nang ipinisalip din ni Mayor Isko sa mga townhouse na ipinagagawa naman sila sa Baseco Compound.

Nilarawan niya ito na mga "Yayamanin" na bahay kaya naman nae-excite na rin siya na matapos ito upang matirahan na agad ng kanyang mga kababayan sa Maynila.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Disyembre ng nakaraang taong 2020 pa nang maaprubahan ang naturang proyekto kaya naman hinihintay na lamang nila itong matapos at makalipat na ang mapapalad na "Batang Maynila.

Read also

Miss Universe memes, agad na naglabasan at kinagiliwan ng mga netizens

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica