Isko Moreno, ipinasilip ang "yayamanin" na townhouse project sa Baseco
- Ipinasilip ni Mayor Isko Moreno ang pinagagawang townhouse project sa Baseco compound
- Nilarawan niyang "yayamanin" ang mga townhouse na talaga namang ikatutuwa ng mga taga-Maynila na titira roon
- Aminadong excited na ang alkalde at hiling niyang agad na itong matapos
- Nagbigay din ng mensahe ng pag-asa ang alkalde at sinabing hindi na nangangahulugang mahirap ang buhay ay wala nang pag-asa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ipinakita ni Mayor Isko Moreno ng Maynila ang ipinagagawang mga townhouse sa Baseco Compound.
Nalaman ng KAMI na binisita mismo ng alkalde ang proyekto na naaprubahan noong Disyembre 2020.
Sa kanyang Facebook post, ipinasilip niya ang itsura sample houses na talaga namang "yayamanin" ang dating.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ayon pa kay "Yorme Isko", ito raw ang katuparan sa dati lamang niyang pinapangarap para sa Maynila.
Hiling din niyang matapos na agad ang naturang proyekto upang magamit na ng masusuwerteng pamilya ng "Batang Maynila."
"Masaya ako at excited ako para sa inyo, loobin nawa ng Diyos na matapos agad ito para magamit niyo na po ito kaagad."
Nagbigay inspirasyon din ang alkalde at sinabing hindi nangangahulugang mahirap ang pamumuhay ay wala nang pag-asa sa buhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan, naging kontrobersyal ang umano'y naging 'di pagkakaunawaan nina Mayor Isko at ni Cavite Governor Jonvic kaugnay sa pamamahagi ng ayuda sa mga dating mga informal settlers sa Maynila na tinanggap naman sa munisipalidad ng Naic kung nasaan ang mga nilipatan nilang bahay na programa ng NHA.
Subalit sa pamamagitan ng isang tweet, nilinaw din ng gobernador na nagkaayos na sila ng alkalde ng Maynila.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh