Gov. Jonvic Remulla, nilinaw na bati na sila ni Yorme Isko Moreno
- Matapos ang maanghang na salitang binitawan ni Governor Jonvic Remulla kahapon laban kay Mayor Isko Moreno, nilinaw niyang bati na sila ni Yorme
- Matatandaang inalmahan ni Gov. Remulla ang naging pahayag ni Yorme sa isang panayam tungkol kay Naic Mayor Jun Dualan
- Ito ay kaugnay sa ilang residente ng Naic na mga bagong salta galing Maynila na hindi pa nakatanggap ng SAP
- Inudyukan ni Gov. Remulla ang publiko na mag-move on na dahil wala naman sila umanong away ni Yorme
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos ang binitawang maaanghang na mga salita laban kay Moyor Isko Moreno, nilinaw ngayong araw ni Governor Jonvic Remulla na wala silang away ni Yorme.
Umapela din siya sa publiko na tigilan na ang mga komento tungkol sa kanila dahil magkaayos na umano sila.
"Guys tigil na. Wala kaming away ni Yorme. Peace na kami so let’s move on. Have a good weekend and SHOUTOUT sa lahat ng Army…I Purple You,”
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang ipinararating ni Cavite Governor Jonvic Remulla kay Manila City Mayor Isko Moreno ang kanyang mensahe para dito kaugnay sa naging pahayag ni Yorme laban kay Naic Mayor Jun Dualan.
Ipinagtanggol ni Remulla si Dualan dahil hindi nito nagustuhan ang mga sinabi ni Isko kaugnay sa dating mga informal settlers sa Maynila na tinanggap ng Naic para makatira sa mga bahay na galing sa programa ng NHA na hindi pa umano nabigyan ng SAP.
“Yorme, huwag mo namang sabihin na hindi namin iniintindi ang mga galing Maynila. Sila ay nag-aaral sa aming mga paaralan at humingi ng tulong sa aming mayor. Nag-aaral ang mga kabataan sa aming state university nang libre. Lahat ng basic services ay binibigay namin.
Samantala, binalita ni Yorme ang tungkol sa napaabot na tulong sa mga na-relocate na taga-Maynila sa Naic.
Natanggap ng mga Manilenyong na-relocate sa Naic, Cavite ang kanilang COVID-19 Food Security Program (FSP) food boxes ngayong Sabado, April 24.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na artista sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay pinuri ni Isko ang aktor na si Xian Lim na napiling gumanap sa pelikulang "Yorme."
Kaugnay naman sa balitang may balak siyang tumakbo sa pagka-Pangulo sa darating na halalan, sinabi ni Yorme na pinag-iisipan pa niya ito.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh