Kris Aquino, hindi napigilang maiyak dahil sa appreciation kay Miles Ocampo

Kris Aquino, hindi napigilang maiyak dahil sa appreciation kay Miles Ocampo

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Kris Aquino sa kanyang pag-aapreciate sa aktres na si Miles Ocampo

- Hindi din maipagkakaila ang pagiging malapit ni Miles sa anak ni Kris na si Bimby na nagdiwang ng kanyang ika-14 na kaarawan

- Ikinuwento ni Kris ang pagpapahalaga nila kay Miles at kung gaano din nito suklian ang pagmamahal nilang mag-ina sa kanya

- Biro pa ni Bimby, kapatid niya si Miles sa ibang nanay at binuhat pa niya ito habang nakayakap sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang video na ibinahagi sa social media para sa pagdiriwang ng kaarawan ni James Carlos Aquino Yap o mas kilala bilang si Bimby, hindi napigilang maluha ni Kris Aquino habang pinapasalamatan si Miles Ocampo.

Kris Aquino, hindi napigilang maiyak dahil sa appreciation kay Miles Ocampo
Kris Aquino (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Binatilyong nagdiwang ng kaarawan, viral dahil sa mensahe niya sa ina

Kitang-kita din sa video kung gaano kalapit si Miles sa mag-ina. Naikwento pa ni Kris na noong Valentines day ay pinadalhan ni Bimby ng bulaklak si Miles nang malaman nitong hindi pa ito nakakatanggap ng bulaklak sa Araw ng mga Puso.

Kwento pa ni Kris, nabigla umano si Bimby nang makita niya ang presyo ng bulaklak ngunit inorder niya to gamit ang sarili niyang pera.

Isa umano si Miles sa mga taong tumulong para matapos at umabot ang kanilang video sa schedule na dapat nilang i-upload ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Read also

Vice Ganda at Ion Perez, deadma sa mga patutsada ni Buknoy Glamurrr

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang inalmahan ni Ogie Diaz ang pinapakalat na balita tungkol sa anak ni Kris na si Joshua.

Diretsahan ding sinupalpal ni Kris ang lumabas na balitang nakipag-date umano siya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel