Dynee Domagoso, proud kay Mayor Isko; may patutsada sa mga "naiinggit" sa kanyang mister

Dynee Domagoso, proud kay Mayor Isko; may patutsada sa mga "naiinggit" sa kanyang mister

- Viral ngayon ang post ng misis ni Mayos Isko Moreno na si Dynee Domagoso

- Ipinakita niya kung gaano siya ka-proud sa mister na halos hindi magpahinga sa paggampan ng kanyang tungkulin bilang "ama ng Maynila"

- Mapapansin ding tila may patutsada si Mrs. Domagoso sa mga taong "nanlalait at nanliliit" sa kanyang mister

- Sinabi pa nitong malayo pa ang hahabulin ng "iba" pagdating sa kasipagan at maging sa kagwapuhan ng alkalde ng Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng misis ni Mayor Isko Moreno ng Maynila na si Dynee Domagoso.

Nalaman ng KAMI na buong pagmamamalaki ng first lady ng Maynila ang kasipagan ng kanyang mister.

Subalit, mas napansin ng netizens ang umano'y patutsada ni Mrs. Domagoso sa mga "nanglalait" at "nanliliit" sa kanyang mister.

Read also

JaMill, nadagdagan pa ng 100,000 subscribers sa YouTube sa kabila ng kontrobersiya

Dynee Domagoso, proud kay Mayor Isko; may patutsada sa mga "naiinggit" sa kanyang mister
Sina Mayor Isko Moreno Domagoso at misis na si Dynee (Photo from Dynee Ditan Domagoso)
Source: Facebook

Napakagwapo at "napakayabang" daw ng kanyang mister. Sinabi rin nitong napakasipag nitong magtrabaho kaya naman tila marami raw umano ang naiinggit sa mga nagagawa ng "Ama ng Maynila."

"Ang sipag sipag mo kasi magtrabaho. Napasama ka tuloy sa mga taong tamad at inggiterong pinanunuod ka lang."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nabanggit din ni Mrs. Domagoso na magpahinga sana ang kanyang mister na napakasipag at puro "pa-pogi" sa dami ng mga proyekto na nagagawa niya para sa mga Manilenyo.

"Rest ka din paminsan puro ka papogi eh matagal ka na pogi. Give chance to others kasi malayong malayo pa hahabulin nila sa kasipagan at kagwapuhan mo."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Famous celebrities, binati si Angel Locsin sa birthday nito sa gitna ng isyu

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na artista sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Kamakailan, naging kontrobersyal ang umano'y naging 'di pagkakaunawaan nina Mayor Isko at ni Cavite Governor Jonvic kaugnay sa pamamahagi ng ayuda sa mga dating mga informal settlers sa Maynila na tinanggap naman sa munisipalidad ng Naic kung nasaan ang mga nilipatan nilang bahay na programa ng NHA.

Subalit nito lamang Biyernes, Abril 23 sa pamamagitan ng isang tweet, nilinaw din ng gobernador na nagkaayos na sila ng alkalde ng Maynila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel