GF na nanlimas ng Php1.8 million ng kanyang nobyo, nagtatago na

GF na nanlimas ng Php1.8 million ng kanyang nobyo, nagtatago na

- Nagtatago na ang girlfriend ng isang OFW na nanlimas ng pinaghirapan niyang Php1.8 million

- Ipinagkatiwala raw ng nobyo ang kanilang ipon para sana sa kasal at kinabukasan nila ng nobya

- Matapos na ipa-Tulfo ang girlfriend, nagtago na raw ito at hindi rin alam ng kanyang mga magulang ang kinaroroonan nito

- Dahil dito, tuluyan nang sinampahan ng kaso ng OFW ang dating nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang overseas Filipino worker na si Ryan Katigbak para ireklamo ang dating nobya na si Kristine Mae Cortiguerra, naglaho na lamang daw ang babae at tuluyan nang nagtago.

Nalaman ng KAMI na sa part 2 ng episode ng Wanted sa Radyo na may pamagat na 1.8 million ni Kuya, na-wipe out ng GF niya, sinabi ni Ryan na hindi na nila mahagilap si Kristine.

Read also

Anak, nanlumo nang malimas ang kanyang GCASH ng nagkunwaring tutulong sa amang may sakit

Matatandaang nagpatulong na si Ryan kay Tulfo dahil sa Php1.8 million na nalimas ng dating nobya na sinasabi nitong "nabudol" daw sa kanya ng kanilang driver.

GF na nanlimas ng Php1.8 million ng kanyang nobyo, nagtatago na
Raffy Tulfo (Photo from @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Hinala noon ni Ryan na may relasyon si Kristine at ang kanilang driver lalo pa at ang sinabi ng babae ay dinidiktahan lamang siya ng driver na animo'y siya ay nagayuma.

Hindi naman maniwala si Ryan sa dahilan na ito ng dating nobya kaya naman hiling niyang maibalik na lamang sa kanya ang perang pinaghirapan niya sa pag-aabroad.

Ito rin sana kasi ang perang nakalaan para sa kanilang kasal at para sa kanilang kinabukasan na naglaho na lamang lahat.

Kasalukuyan pa namang wala ring trabaho si Ryan dahil sa pandemya kaya malaking bagay na maisauli na sana sa kanya ang kanyang pera.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Subalit nang kumustahin nga ng Wanted sa Radyo si Ryan, sinabi nitong pinaghahanap na nila si Kristine.

Read also

QC Mayor: 10K na dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, kailangang ma-trace

Nakapanayam naman nila ang ama nito sa tulong ng kanilang barangay chairman ngunit mariing sinabi ng ama na maging sila ay wala ring alam sa kinaroroonan ni Kristine.

Dahil dito, lalong nabuo ang desisyon ni Ryan na tuluyan nang kasuhan ang dating nobya.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sadyang malapit din sa puso ni Tulfo ang mga kababayan nating OFW na araw-araw din niyang binabati sa pagsisimula ng kanyang programa.

Read also

Komedyante sa 'Wowowin' na si Le Chazz, sumakabilang buhay na

Kaya naman, mabilis din niyang natutulungan ang mga OFW na nagsusumbong sa kanyang programa at sinisiguro niyang makakamit ng mga ito ang hustisya sakaling sila man ay maapi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel