QC Mayor: 10K na dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, kailangang ma-trace

QC Mayor: 10K na dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, kailangang ma-trace

-Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na 10,000 katao ang kailangan nilang i-contact trace

-Kaugnay pa rin ito ng community pantry ng aktres na si Angel Locsin sa Barangay Holy Spirit sa QC

-Ito ay matapos mag-positibo ang dalawang dumalo rito at nahawaan pa ang isang anak na hindi naman pumunta sa community pantry

-Wala pang naibalitang pahayag si Angel kaugnay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na 10,000 mamamayan ang kailangan nilang i-contact trace kaugnay ng community pantry ni Angel Locsin, base sa ulat ng 24 Oras.

Matatandaang bilang selebrasyon sa kanyang kaarawan ay nagtayo ng kanyang community pantry ang aktres sa Barangay Holy Spirit sa lungsod ng Quezon noong isang linggo.

Dinaluhan ito ng napakaraming tao at hindi na nasunod ang social distancing na mahigpit na ipinapatupad ngayong may pandemya.

Read also

11-anyos na anak ng nagpunta sa community pantry ni Angel Locsin, nagpositibo sa COVID-19

QC Mayor: 10K na dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, kailangang ma-trace
Photo: Angel Locsin (@therealangellocsin)
Source: Instagram

Isang matandang lalaki ang nasawi kaugnay nito. Agad namang humingi ng sorry si Angel sa nangyaring kaguluhan.

Dahil dito, hinikayat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) na magpa-test ang mga taong dumalo roon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Una nang naibalita ng KAMI nang apat na mamamayan na ang nagpa-swab gamit ang antigen kung saan sila nag-negatibo. Pero isa sa mga ito ay nakaranas ng mga sintomas tulad ng pananakit ng ulo at kawalan ng panglasa at pang-amoy.

Kasunod nito ay sumailalim ulit ang apat sa RT-PCR kung saan dalawa sa mga ito ang positibo sa COVID-19. Ang anak ng isa sa mga ito na hindi naman pumunta sa community pantry, nag-positibo rin.

Kaya naman muling hinikayat ng QC government ang mga taong dumalo sa nasabing community pantry na magpa-test.

Read also

Birthday boy sa Bulacan, nagtayo ng community pantry kaysa magkaroon pa ng party

Wala pang naibalitang pahayag ang Kapamilya actress kaugnay nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Angelica Locsin Colmenares, o mas kilala bilang Angel Locsin, ay isang Filipino film and TV actress, film producer, fashion designer, at commercial model. Nakilala ito sa kanyang pagganap sa Mulawin at Darna ng GMA Network. Noong 2007 nagulat ang marami nang lumipat ito sa Kapamilya Network.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel