11-anyos na anak ng nagpunta sa community pantry ni Angel Locsin, nagpositibo sa COVID-19

11-anyos na anak ng nagpunta sa community pantry ni Angel Locsin, nagpositibo sa COVID-19

- Dalawa sa mga nagpunta sa community pantry ng aktres at philantrophist na si Angel Locsin ay nagpositibo sa COVID-19

- Ang anak pa ng isa sa mga ito ay kinakitaan din ng sintomas at nagpositibo na rin sa virus

- Sila ay mula sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City kung saan itinayo ang community pantry sa mismong kaarawan ng aktres

- Hinihikayat pa ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ng Quezon City ang mga dumalo sa community pantry ni Locsin na magpa-test na rin lalo na at may ilan nang lumalabas na nagpositibo sa virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawa pa sa mga matiyagang pumunta at pumila sa community pantry ng aktres at philantrophist na si Angel Locsin ang lumabas na positibo sa COVID-29.

Nalaman ng KAMI na ang dalawang ito ay parehong mula sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City kung saan itinayo ang community pantry ng aktres sa mismong araw ng kanyang kaarawan noong Abril 23.

Read also

4 na tinest na dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, negative sa antigen

Sa ulat ng Manila Bulletin, ang dalawang babaeng ito na may edad 42 at 43 ay lakas loob na nagpatest noong Abril 28.

11-anyos na anak ng nagpunta sa community pantry ni Angel Locsin, nagpositibo sa COVID-19
Photo: Angel Locsin
Source: Facebook

Sa pahayag ni city epidemiology and disease surveillance unit (CESU) chief na si Dr. Rolando Cruz, kinumpirma nito na maging ang 11-anyos na anak ng isa sa dalawang nagpositibong ito ay kinakitaan na rin ng sintomas ng virus.

Kalauna'y nagpositibo na rin ang bata kahit hindi siya mismo kasama sa pagpunta ng ina sa community pantry.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Siniguro naman ni Dr. Cruz na agad silang magsasagawa ng contact tracing sa mga nagpositibong ito sa virus.

Samantala, dadalhin naman sa isolation facility ng Quezon City ang mga bagong karagdagang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Dahil dito, patuloy ang paghikayat ng CESU sa mga nagpunta sa community pantry ng aktres na sumailalim na sa test upang malaman kung tinamaan ba sila ng virus o hindi.

Read also

German ambassador na humanga sa community pantry, nag-donate sa Maginhawa QC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang ayon sa SunStar, ilang araw pa lamang mula nang mangyari ang dagsa ng tao sa community pantry ni Locsin ay nagpahayag na ang CESU na magkakaroon ng libreng RT-PCR test sa lahat ng mga nagpunta sa Barangay Holy Spirit para makakuha ng mga grocery items mula sa pantry.

Sa ulat ng Inquirer, inihayag na agad namang nag-sorry ang aktres sa hindi inaasahang mga pangyayari sa kanyang kaarawan at sa pamamahagi niya ng tulong sa itinayong pantry.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bagaman at marami ang nagsasabing hindi niya ito kasalanan, inako pa rin ng aktres ang mga gastusin ng isang senior citizen na kalauna'y pumanaw matapos himatayin habang nakapila sa kanyang pantry.

Read also

Doktor na 2 beses nagpositibo sa COVID at nahirapang maghanap ng ospital, pumanaw na

Sa naunang ulat ng KAMI lumabas na may apat nang mga nagpatest na mula rin sa community pantry ni Locsin. Isa sa kanila ay kinakitaan ng sintomas habang ang tatlo naman ay pawang mga asymptomatic.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica