1 sa pumila sa community pantry ni Angel Locsin, nakitaan ng sintomas ng COVID

1 sa pumila sa community pantry ni Angel Locsin, nakitaan ng sintomas ng COVID

-Apat na taong pumila sa community pantry ni Angel Locsin ang nagpa-swab test na

-Isa rito ang nakitaan ng sintomas ng COVID-19 tulad ng kawalan ng pang-amoy at panglasa at pananakit ng ulo

-Ang tatlo naman ay pawang mga asymptomatic

-Hinihikayat ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit na magpa-test ang mga pumila sa pantry ng aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Apat sa mga mamamayang pumila sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin ang nagpa-swab test na ayon sa City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).

Isa sa mga ito ay nakitaan ng mga sintomas ng COVID-19 tulad ng kawalan ng panglasa at pang-amoy at pananakit ng ulo.

Tatlo naman sa mga nagpa-test ang pawang mga asymptomatic, ayon sa pahayag ni CESU Chief Dr. Rolando Cruz.

1 sa mga pumila sa community pantry ni Angel Locsin, may sintomas ng COVID
Photo: Angel Locsin (@therealangellocsin)
Source: Instagram

Hinihikayat din ni Cruz na magpa-test ang mga dumalo sa community pantry ng aktres.

Read also

"Natameme si Dok" Cash in box na may lamang P50K, pumatok sa netizens

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Today is the fifth day since Ms. Locsin’s event. The average incubation period for COVID-19 is approximately five days. So we call on everyone who went to last Friday’s gathering, please report to us and have yourself tested. If there was a transmission and you were exposed, you may observe some symptoms manifesting starting today," ani Cruz.

"The city screens individuals who can avail of the free swab services so we can allocate our supplies to those who need it most," dagdag pa nito.

Batay sa pahayag ng Quezon City government, ang mga priority sa swab testing ay ang mga dumalo sa community pantry ni Angel, close contacts o exposed sa COVID-positive patients, mga nakararanas ng sintomas, buntis, dialysis patients, at mga sasailalim sa medical operations at nangangailangan ng COVID-19 test results.

Read also

Kaso kaugnay sa pagkamatay ni Christine Dacera, tuluyan nang ibinasura

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, agad na humingi ng sorry si Angel Locsin matapos magkagulo sa kanyang community pantry kung saan isang matandang lalaki ang nasawi.

Ang pamilya ng senior citizen, sinabing wala silang sinisisi sa nangyari.

Si Angelica Locsin Colmenares, o mas kilala bilang Angel Locsin, ay isang Filipino film and TV actress, film producer, fashion designer, at commercial model. Nakilala ito sa kanyang pagganap sa Mulawin at Darna ng GMA Network. Noong 2007 nagulat ang marami nang lumipat ito sa Kapamilya Network.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel