Anak ng nasawing lolo sa community pantry ni Angel Locsin, nagdadalamhati

Anak ng nasawing lolo sa community pantry ni Angel Locsin, nagdadalamhati

- Nagsalita na ang panganay na anak ng senior citizen na nasawi matapos pumila sa inorganisang community pantry ni Angel Locsin

- Kinilala ang matandang lalaki na si Rolando Dela Cruz, 67-anyos na pumanaw dahil sa sakit sa puso

- Ayon sa anak ni Lolo Rolando, hindi raw nagpaalam sa kanila ang ama na pipila sa naturang community pantry

- Kinumpirma nito na personal na silang pinuntahan ni Angel at nangakong tutulungan sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala raw sinisisi ang pamilya ng pumanaw na si Rolando Dela Cruz, 67-anyos, matapos pumila sa inorganisang community pantry ni Angel Locsin, batay sa report ng 24 Oras.

Ayon kay Jenifer Fosana, panganay na anak ni Lolo Rolando, hindi raw nagpaalam ang kanilang ama na pipila sa naturang community pantry at bibili lang daw ng paninda nitong balut.

Read also

Angel Locsin, humingi ng sorry dahil sa pagkakagulo sa kanyang community pantry

Labis-labis ang pagdadalamhati nito at ng kanilang pamilya dahil sa pangyayari.

"Bibili lang siya ng balut, hindi na nakabalik. 'Yun pala pumila doon tapos nalaman namin mga 9:30, inatake daw, ay nahimatay daw maya-maya... Nabalitaan namin inatake daw, patay na daw," anito batay sa report ng ABS-CBN News.

Anak ng nasawing lolo sa community pantry ni Angel Locsin, nagsalita na
Photo: Angel Locsin (@therealangellocsin)
Source: Instagram

Ayon pa sa report, nadala pa sa ospital ang matandang lalaki ngunit kinalaunan ay binawian din ng buhay dahil sa natural causes.

Base sa report ng Radyo Pilipinas, nagpunta si Angel sa East Avenue Medical Center si Angel Locsin at personal na nagpaabot ng pakikiramay.

Kinumpirma rin ni Jenifer na personal silang pinuntahan ni Angel at nangakong tutulungan sila.

"Nandoon po si Angel Locsin pinuntahan siya sinagot na raw lahat hindi sila pinabayaan doon," anito.

Sa kanyang social media posts, inako ng aktres ang responsibilidad sa nangyaring pagkakagulo sa community pantry na kanyang inorganisa para makatulong sa mga nangangailangan bilang selebrasyon sa kanyang kaarawan ngayong araw.

Read also

Pamilyang nagluluksa sa nakaburol na padre de pamilya, nasunugan pa ng tahanan

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Humingi na rin ito ng sorry sa publiko matapos magkagulo sa community pantry at nagpaliwanag. Ayon sa aktres, maayos silang nagsimula at sinunod ang mga safety protocols. Nakipagtulungan din ang mga ito sa kanilang LGU, PNP at barangay ngunit hindi pa rin nakontrol ang tao.

Sa isang post, humingi ng sorry si Angel sa pamilya ni Lolo Rolando at habangbuhay daw nitong ihihingi ng tawad sa mga naulila ang nangyari.

"Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapagusap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Empleyado, inaakusahang sumahod ng 15 taon kahit na di naman pumapasok

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Angelica Locsin Colmenares, o mas kilala bilang Angel Locsin, ay isang Filipino film and TV actress, film producer, fashion designer, at commercial model. Nakilala ito sa kanyang pagganap sa Mulawin at Darna ng GMA Network. Noong 2007 nagulat ang marami nang lumipat ito sa Kapamilya Network.

Sa isa pang report ng KAMI, ilang kilalang personalidad sa bansa ang nagpabatid ng kanilang birthday greetings para kay Angel sa gitna ng hinaharap nitong isyu.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel