Pamilyang nagluluksa sa nakaburol na padre de pamilya, nasunugan pa ng tahanan

Pamilyang nagluluksa sa nakaburol na padre de pamilya, nasunugan pa ng tahanan

- Habang naglalamay sa kanilang padre de pamilya, nasunog pa ang tahanan ng isang pamilya sa Urbiztondo, Pangasinan

- Noong Abril 13 pa nang pumanaw ang ama dahil sa high blood pressure

- Ngunit sa ikaanim na araw ng burol, nasunog naman ang kanilang tirahan

- Hindi natupok ng apoy ang labi ng yumaong padre de pamilya na nasa labas ng kanilang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumoble pa ang hirap at pighati ng pamilya Alcaide sa Urbiztondo, Pangasinan matapos na matupok ng apoy ang kanilang tahanan habang sila'y naglalamay sa yumaong padre de pamilya.

Nalaman ng KAMI na walang itinirang gamit ang sunog na umano'y nagsimula lamang sa kandilang nakasindi sa loob ng bahay.

Ayon sa panayam ni Russel Simorio sa GMA Regional TV kay Karl Alcaide, anak ng pumanaw, Abril 13 pa nang binawian ng buhay ang kanyang ama dahil sa high blood pressure.

Read also

Community pantry sa Bulacan, nagmistulang "mini-market" sa dami ng ibinabahagi

Pamilyang naglalamay pa sa nakaburol na padre de pamilya, nasunugan pa ng tahanan
Photo from Pixabay
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ngunit sa ikaanim na araw ng burol, tinupok ng apoy ang kanilang tahanan. Mabilis na kumalat ang apoy na nakunan pa ng video at makikitang wala na halos natirang anumang kagamitan mula sa bahay.

Labis na namomroblema ang misis ng yumao sa magkasunod na dagok sa kanilang buhay.

Nanawagan siya para sa tulong pinansyal dahil hindi raw nila alam kung saan sila ngayon kukuha para sa pangaraw-araw nilang gastusin.

"Namatayan na po ako ng asawa tapos yung bahay pa po namin nasunog pa po. Hindi ko po alam kung saan po kukuha ng pampinasyal"

HIndi naman natupok ng apoy ang labi ng mister gayung nasa labas ito ng kanilang bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

12-anyos sa Pasay na naglalaro sa labas at hinabol ng mga tanod, pumanaw na

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tulad ng pamilya Alcaide sa Pangasinan, marami sa ating mga kababayan ngayon ang dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay.

Mayroong matapos na masunugan ay hindi na tuluyang nakabangon at nakapagsimula dala ng kahirapan at dumagdag pa ng krisis na dala ng pandemya.

Mabuti na lamang at tila dumarami naman sa ating mga kababayan ang handang tumulong sa anumang uri ng paraan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica