Empleyado, inaakusahang sumahod ng 15 taon kahit na di naman pumapasok

Empleyado, inaakusahang sumahod ng 15 taon kahit na di naman pumapasok

- Iniimbestigahan ngayon ang isang 66-anyos na empleyado ng isang ospital sa Italy

- Inaakusahan kasi itong sumahod ng €538,000 o P31.36 million kahit na hindi pumapasok

- Pinagbantaan pa umano nito ang dating director ng ospital upang hindi matuloy ang disciplinary reports para rito dahil sa kanyang absenteeism

-Anim na manager din sa ospital ang iniimbestigahan kaugnay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Iniimbestigahan ngayon ang isang 66-anyos na lalaking empleyado ng isang ospital sa Italy na inaakusahang sumahod sa loob ng 15 taon kahit na hindi naman ito pumapasok sa trabaho, batay sa report ng BBC News.

Kinilala ito na si Salvatore Scumace, na naka-assign bilang isang civil servant sa Pugliese Ciaccio hospital sa Catanzaro, ayon naman sa report ng Inquirer.

Ayon sa mga lumabas na ulat, tinatayang sumahod ang lalaki ng €538,000 o P31.36 million kahit na "no show" ito sa ospital.

Read also

Sobra na! Babaeng nanimot sa community pantry, nanawagan kay Raffy Tulfo

Empleyado, inaakusahang sumahod ng 15 taon kahit na di naman pumapasok
Photo: Empty office
Source: Getty Images

Taong 2005 pa umano nang magsimula itong hindi mag-report sa trabaho.

Lumabas din sa imbestigasyon na pinagbantaan pa umano nito ang dating director ng ospital upang hindi matuloy ang disciplinary reports para rito dahil sa kanyang absenteeism, na kinalaunan ay nag-retire na rin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Wala na raw nakapansin sa ginawa ni Scumace matapos nito kahit na ang human resources department.

Dahil dito, anim na manager ang iniimbestigahan din kaugnay ng insidente. Kinilala ang mga ito na sina Nino Critelli, Vittorio Prejanò, Maria Pia De Vito, Domenico Canino, Laura Fondacaro at Antonio Molè.

Patong-patong na reklamo ang haharapin ng inaakusahang lalaki kung mapapatunayan ang reklamo laban sa kanya.

Ayon sa ulat ng Fox News, ang pagliban sa trabaho ay madalas nang problema sa public sector ng bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Viral! 1 sa mga babaeng nanimot sa community pantry sa Pasig City, nag-sorry na

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, isa namang lalaki na ayaw pumasok sa trabaho ang nagpanggap na na-kidnap!

Samantala, sinibak naman sa trabaho ang ilang empleyado ng MRT-3 matapos makuhanang hindi maayos ang ginawang paglilinis sa isang tren.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone