Lalaking ayaw pumasok sa trabaho, nagpanggap na kinidnap

Lalaking ayaw pumasok sa trabaho, nagpanggap na kinidnap

- Isang lalaki ang arestado sa Arizona, United States matapos magpanggap na siya ay kinidnap

- Nagawa raw ito ng lalaki dahil ayaw nitong pumasok sa trabaho, ayon sa mga pulis

- Inamin din nito kung paano nito ginawa ang pamemeke ng kidnapping

- Isang statement na ang inilabas ng Coolidge Police Department kaugnay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado ang isang 19-anyos na lalaki sa Arizona, United States matapos nitong magpanggap na na-kidnap.

Batay sa report ng ABC7NY, inamin ng lalaking kinilalang si Brandon Soules, na nagawa niya ito dahil lang ayaw nitong pumasok sa trabaho.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi nito na dalawang lalaking naka-maskara ang umano'y kumidnap sa kanya sa harap ng kanyang bahay noong February 10.

Lalaking ayaw pumasok sa trabaho, nagpanggap na kinidnap
Photo: ABC7NY (Brandon Soules)
Source: Facebook

"He informed us that he was hit in the head and stuffed in a car in front of his home and this occurred after 7 o'clock in the morning, but when we located video surveillance in front of his home, we were able to see no such thing," batay sa pahayag ng Coolidge Police Department.

Read also

Mom power! 23-anyos na babae, nag-aalaga ng 11 anak nang sabay-sabay

Ayon pa kay Soules, ang kidnapping ay nag-ugat umano sa malaking halaga ng pera na itinago raw ng kanyang ama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit dahil sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ay nabuking ng mga ito ang "gimik" ng binata.

"Coolidge Police Department detectives brought him in on the 17th of February and we questioned him. After we showed him all the information, he admitted that he fabricated the story because he didn't want to go to work," ayon sa pulisya.

"He informed us that he at first stuffed a bandanna in his mouth. Afterwards, he took off his own belt and bound his hands with his own belt. (He) laid on the ground and scooted out on the side of the road so somebody could see him and waited."

Dahil dito ay haharap sa kaso si Soules dahil sa false information.

Read also

Janno Gibbs, hangad na matuldukan na ang isyu sa kanila ni Kitkat Favia

Isang statement naman ang inilabas ng Coolidge Police Department sa kanilang Facebook page kaugnay ng insidente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, isa namang Koreano ang nagpanggap din na na-kidnap at humingi ng ransom sa magulang.

Dati namang naging usap-usapan ang tungkol sa diumano'y pangunguha ng puting van na agad namang pinabulaanan ng PNP.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone