Koreano, nagpanggap na na-kidnap at humingi ng ransom sa magulang

Koreano, nagpanggap na na-kidnap at humingi ng ransom sa magulang

-Nagpanggap ang isang Koreano na siya ay na-kidnap para makahingi ng pera sa kanyang mga magulang

-Sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad, natunton ang Koreano sa bahay ng Pinay na nobya nito

-Dito na raw ito umamin na gawa-gawa lamang niya ang lahat dahil kailangang-kailangan niya ng pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado ang isang Koreano sa Aklan matapos nitong aminin na nagpanggap itong na-kidnap at humingi ng ramson sa kanyang mga magulang.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, nagsimula ito nang humingi ng tulong ang Korean Embassy sa Anti-Kidnapping Group (AKG) kaugnay sa isang Koreano na na-kidnap daw sa bansa.

“This started when the Korean Embassy sought for our help on the alleged kidnapping of a Korean,” ayon kay Col. Jonnel Estomo, director ng AKG.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon daw sa mga magulang ni Yoo Jin Won, humihingi raw sa kanila ng ransom na nagkakahalaga ng $5,000 o P250,000 ang "kumidnap" dito.

Isang tourist guide si Yoo sa mga turistang South Korean at nagta-trabaho sa Angeles, Pampanga.

Sa pag-iimbestiga ng AKG, nagsagawa ang mga ito ng cyber research sa Facebook account ng Koreano.

Dito na nagsimula ang pagkaka-trace dito gamit ang larawan nito kasama ang nobya nito na isang Pinay.

Napag-alamang residente sa Barangay Camansi Norte, Numancia sa nasabing probinsiya ang nobya nito.

Nang puntahan ng mga awtoridad ang nasabing lugar, umamin ang Koreano na gawa-gawa lang niya ang lahat para makahingi ng pera sa mga magulang.

“When debriefed, Yoo confessed that he was just joking to his mother in Korea on his kidnapping here in the Philippines because he is in dire need of money,” sabi ni Estomo.

Nasa kustodiya na ng AKG ang Koreano at inihahanda na ang isasampang kaso rito dahil sa kidnap-me modus.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jacob Batalon’s First Reaction When He Got The Role In Spiderman

HumanMeter was lucky to ask Jacob Batalon, who plays Spiderman’s friend Ned Leeds, several questions when he visited the Philippines. Also, check out his message to Filipino fans. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel