Mga post ukol sa kidnapping ng 'puting van', pinabulaanan ng PNP

Mga post ukol sa kidnapping ng 'puting van', pinabulaanan ng PNP

- Wala raw katotohanan ang mga kumakalat na post tungkol sa mga kidnapping nagaganap sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya ayon sa PNP

- Ang ilan pa sa mga ito ay mga lumang video na nakadaragdag lamang daw ng pangamba sa publiko

- Di raw ito kumpirmado at walang mga police report ukol sa nangyari

- Maging ang siyam na nawawala sa Pasay City na hinihinalang na-kidnap di umano ng grupong sakay sa 'puting van' ay patuloy pa ring iniimbestigahan at di pa napapatunayan

- Ang sinumang mapatunayang nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa mga sinasabing kidnapping na ito sa Metro Manila at sa mga kalapit probinsya nito ay maaring maharap sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinabulaanan ng Philippine National Police ang lumalaganap sa social media na mga post tungkol sa di umano'y kidnapping ng grupong sakay ng 'puting van' sa Metro Manila at sa mga kalapit probinsya nito.

Ayon mismo kay Brig. Gen. Bernard Banac, "fake news" at di kumpirmado ang mga pangyayaring ito at di pa ito napapatunayan.

“Nais po natin pabulaanan ang mga kumakalat na fake news na ito. Wala pa pong basehan at hindi ito validated,” pahayag ni Banac sa reporter ng Philippine Star.

Ang ilan pa sa mga kumakalat na video ay kuha ilang taon na ang nakalipas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang viral video ng batang di umano'y nakidnap at pinakita pa ang tahi sa kanyang tiyan bilang patunay ng pagkuha ng ilan sa kanyang lamang loob ay di raw kumpirmado.

Lumabas sa isang ulat na hindi nakidnap ang bata kundi ito ay lumayas sa kanilang tahanan sa Bulacan.

Isa rin sa mga kaso ng kidnapping na di pa napatutunayan ay ang pagkawala ng siyam na residente ng Pasay City noong Nobyembre 20-22.

Patuloy pa rin daw ang pag-iimbestiga sa kasong ito.

Samantala, paalala rin ng pulisya na maging mapanuri sa mga ganitong klaseng balita sa social media.

Imbis na magpalaganap agad ng mga post na ito sa social media ay mas mainam daw na i-report muna ito sa pulisya.

Sinabi ring maaring maharap sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act ang sinumang magpakalat ng maling balita gaya nito na nagbibigay pangamba at alinlangan sa publiko.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica