"Natameme si Dok" Cash in box na may lamang P50K, pumatok sa netizens

"Natameme si Dok" Cash in box na may lamang P50K, pumatok sa netizens

- Napa-sana all nalang ang mga netizens matapos mag-viral ang cash in a box na may lamang P50,000

- Batay sa may-ari ng isang flower shop na nag-arrange nito, nais daw ng kanilang kliyente na kakaiba ang ibibigay nitong regalo

- At sa halip na bouquet na gawa sa pera, iminungkahi nila ang naturang arrangement

- Ayon pa sa uploader, natameme raw ang doktor na pinagbigyan ng viral na sorpresa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mukhang magiging paborito na ng lahat ang kulay asul matapos mag-viral ang kakaibang regalo ng isang netizen.

Napa-sana all talaga ang marami dahil sa patok na cash in a box na gawa ng isang flower shop at may lamang 50 piraso ng P1,000 bills! Sumatotal, nagkakahalaga ito ng P50,000.

Sa isang exclusive interview ng GMA News sa mag-ari ng flower shop na gumawa ng arrangement na si Shula Rizz Lavaro-Galupe, nais daw ng kanyang kliyente na maging kakaiba ang ireregalo nito sa kanilang doktor.

Read also

Nurse, ipinasilip ang halaga ng natanggap na Special Risk Allowance

"Natameme si Dok" Cash in box na may lamang P50K, pumatok sa netizens
Photo: Cash in a box arrangement (SBPH Fleurs)
Source: Facebook

Si Galupe na rin mismo ang nag-suggest na money gift box nalang ang gawin nila sa halip na bouquet.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"We came up with a lowkey type of surprise gift. They were trying to give a surprise po kasi with a twist and a unique one po. I suggested to them this classy and lowkey [gift] po," anito sa panayam.

Kwento pa nito, ayon daw sa kliyente nila ay plano sana nilang ibigay ang regalong P50,000 at sasamahan lang ng card ngunit nag-isip pa ang mga ito ng mas kakaibang paraan.

"Kaya po naghanap po sila ng pwedeng gumawa ng arrangement po. Then we proposed po yung low-key surprise lang po sa box since bulky nga daw po pag bouquet. Duty pa man rin ni doc kaya, saktong sakto raw po," sabi ni Galupe sa GMA News.

Read also

Heart Evangelista, pinatulan ang isang netizen na nagsabing nagpaayos siya ng ilong

Bukod sa pera, sinamahan pa raw ng kanyang kliyente ng mga tsokolate ang sorpresa para sa doktor. At nang ideliver na raw ito sinabi ni Galupe na: "Natememe daw po si doc."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, isang bride naman ang nakatanggap ng tumataginting na one million pesos mula sa kanyang groom sa araw ng kanilang kasal.

Isang bata naman ang nasorpresa ni Heart Evangelista matapos nitong "mabasted".

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel