Heart Evangelista, may Valentine gift sa batang nagviral matapos "mabasted"

Heart Evangelista, may Valentine gift sa batang nagviral matapos "mabasted"

- Matapos "mabasted" at magviral sa social media ang grade 4 student na si Eman, nakatanggap naman ito ng sorpresa mula kay Heart Evangelista

- Nagviral ang bata matapos ipost ng kanyang guro ang liham ng "nililigawan" nito sa Facebook

- Hindi raw kasi ito kumakain ng gulay kung kaya iba raw ang gusto nito at hindi si Eman

- Samantala, ibinahagi naman ni Heart ang liham na ibinigay sa kanya ng bata at pinasalamatan ito dahil sa pag-alala sa kanyang kaarawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bonggang sorpresa ang natanggap ng grade 4 student na nagviral matapos itong "mabasted" ng kanyang nililigawan, na una nang naiulat ng KAMI.

Si Eman ang batang mula sa Sorsogon ay nakatanggap ng Valentine gift mula kay Heart Evangelista.

Matatandaang mabilis na kumalat sa social media ang tungkol dito matapos ipost ng kanyang guro ang liham.

Dito nalamang nabasted si Eman dahil hindi raw kasi ito kumakain ng gulay.

Ayon sa ulat ng GMA News, matapos makita ni Heart ang nagviral na liham ng pambabasted kay Eman ay pinadalhan nito ang bata ng regalo.

Samantala, sa kanyang social media account, ibinahagi ni Heart ang larawan ni Eman nang matanggap nito ang kanyang mga regalo.

Ibinahagi rin ng Kapuso actress ang liham na ipinadala sa kanya ng bata.

"Dear Ms. Heart, happy birthday and happy Valentine's day. Thank you sa gift kakain na po ako ng maraming gulay para tumaba na ako. Love, Eman."

Nagbigay din ng mensahe si Heart para rito at nagpasalamat sa pagbati nito sa kanyang kaarawan.

"One of the sweetest birthday greetings I got! (heart emoji) Kain ka ng maraming gulay, Eman! Happy Valentine's Day din sayo at salamat sa pagalala ng birthday ko," anito.

Nagcelebrate si Heart ng kanyang kaarawan noong February 14 kasama ang kanyang asawang si Governor Chiz Escudero at ilang malalapit na kaibigan.

Si Heart Evangelista o Love Marie Ongpauco sa tunay na buhay ay isa sa mga sikat na aktres at vlogger sa bansa.

Kilala ito bilang isang icon at tinitingala ng marami pagdating sa fashion.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel