Sana all talaga! Bride, niregaluhan ng P1M cash ng groom sa kanilang kasal

Sana all talaga! Bride, niregaluhan ng P1M cash ng groom sa kanilang kasal

- Sino ba naman ang hindi mapapa-"sana all" matapos mag-viral ang larawan ng isang bride na may hawak na P1 million cash

- Ayon sa photographer, regalo raw ito ng groom sa kanyang bride sa kanilang kasal

- Pero siyempre pa, mas magandang regalo ang kanilang kasal

- Kaya naman ang mga netizens, bukod sa nalula, naaliw din sa kakaibang gimik na ito ng groom

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sino ba naman ang hindi mapapa-"sana all" matapos magviral ang larawan ng isang bride na may hawak na P1 million in cash!

Regalo lang naman ito sa kanya ng kanyang groom ayon sa Team Benitez Photo na siyang kumuha sa mga larawan sa kasal ng mga ito.

Mabilis na nagviral ang larawang ito at umabot sa mahigit 7K ang shares kahit kaka-upload lamang nito sa Facebook.

Sa isang post ng GMA News kung saan naitampok din ito, sinabi ng photographer na pagkarating nila sa hotel ay nilapitan ng wedding coordinator ang bride.

Anito, mayroon daw regalo ang kanyang groom para rito.

Laking-gulat na lamang ng mga naroon nang malamang cash ang regalo ng groom at tumataginting na P1 million.

Pero siyempre pa, ang pinakamagandang regalo ay ang kanilang kasal.

Ang mga netizens naman, naaliw at nalula rin sa kakaibang gimik na ito ng groom. Marami rin ang napa-tag sa kanilang mga boyfriend at mister dahil dito.

"Sana all mkasuot ng wedding dress hahaha. Tas may wedding gift.."
"Let our response be "SANA ALL""
"Sana all talaga maregaluhan ng 1,000,000 kahit hindi na ikasal basta may 1,000,000 HAHAHA."
"Pwede bang maki sana all kaming mga lalake?"
"Sabay sabay.... sana all>"
"No need na ng prosperity dance sa reception."
"Sana lahat grabe ngitinh 1M si ateh saya saya naman."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel