German ambassador na humanga sa community pantry, nag-donate sa Maginhawa QC

German ambassador na humanga sa community pantry, nag-donate sa Maginhawa QC

- Labis na humanga si German Ambassador to the Philippines na si Anke Reiffenstuel sa inisyatibo ng Maginhawa Community pantry

- Sinadya pa mismo ni Reiffenstuel ang naturang pantry at doon nakausap ang nakaisip ng konsepto na ito na si Ana Patricia Non

- Sa kanyang tweet, naibahagi niya ang ilang larawan ng kanyang pagbisita sa Maginhawa

- Nag-donate din siya ng mga pagkain na maibabahagi sa naturang pantry

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging ang German Ambassador to the Philippines na si Anke Reiffenstuel ay nagpahayag ng kanyang paghanga sa pagtatayo ng mga community pantry sa bansa.

Nalaman ng KAMI na mismong sinadya pa ni Reiffenstuel ang Maginhawa community pantry upang magbigay ng mga donasyong pagkain.

German ambassador na humanga sa community pantry, nag-donate sa Maginhawa QC
Sina German Ambassador to the Philippines Anke Reiffenstuel at Ana Patricia Non (@germanyinphl)
Source: Twitter

Sa kanyang Twitter post, ipinahayag niya ang paghanga at pagbibigay respeto sa inisyatibo ni Ana Patricia Non sa konsepto ng pagkakaroon ng community pantry na pinamarisan na rin ng marami.

Read also

Angel Locsin, humingi ng sorry dahil sa pagkakagulo sa kanyang community pantry

“Been at Maginhawa #CommunityPantry today, donated food items. Deeply impressed by the solidarity spirit of the Filipinos. Great respect for the volunteers and the initiative”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa ilang mga larawan na kanya ring naibahagi sa Twitter, makikitang nakausap niya mismo si Non, ang organizer ng pinakaunang community pantry sa bansa.

Makikita na rin kung gaano karami ang mga pagkain handa nilang ipamahagi sa mga kababayan nilang nangangailangan na ng makakain.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tila nagkaroon na nga ng "domino effect" ang community pantry na nagsimula lamang sa Maginhawa, Quezon City.

Nagsilbi itong inspirasyon sa marami na maging sa iba't ibang probinsya sa bansa ay nagkaroon na rin ng sariling pantry na malaki ang maitutulong sa mga kababayan nating naghihikahos na mairaos ang gastusin at pangangailangan sa araw-araw.

Read also

Malacañang, sinabing hindi na dapat pakialaman ang mga community pantry

Maging ang bansang Timor-Leste ay isa sa mga na-inspire sa konseptong ito kaya naman nagtayo na rin sila ng sarili nilang community pantry para makatulong na rin sa kanilang mga kababayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica