Malacañang, sinabing hindi na dapat pakialaman ang mga community pantry

Malacañang, sinabing hindi na dapat pakialaman ang mga community pantry

- Ayon sa Malacañang, hindi na dapat pang panghimasukan pa ang mga community pantry

- Kasunod ito ng mga isyu ng red tagging kaugnay ng naging pahayag ni Ana Patricia Non, ang nagsimula ng community pantry

- Sa isa namang pahayag sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño na kailangan na ng permit mula sa LGU ang mga community pantry

- Pero ayon naman kay Undersecretary Jonathan Malaya, hindi na kailangan pang mag-require ng permit ang barangay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na raw dapat pang pakialaman ang mga community pantry ayon sa Malacañang.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Ana Patricia Non, na siyang nagsimula ng Maginhawa Community Pantry, ukol sa diumano'y red tagging.

Itinanggi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Police (PNP) ang tungkol dito, base sa report ng ABS-CBN News.

Read also

Viral! 1 sa mga babaeng nanimot sa community pantry sa Pasig City, nag-sorry na

Malacañang, sinabing hindi na dapat pakialaman pa ang mga community pantry
Photo: Maginhawa community pantry (Ana Patricia Non)
Source: Facebook

Samantala, sa isang pahayag sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño na kinakailangan nang humingi ng permit ang mga magtatayo ng community pantry mula sa Local Government Unit at Barangay.

Ito ay para raw makasiguro na masusunod pa rin ang minimum health protocols sa gitna ng banta ng COVID-19.

"I think now they need [a] permit from the local, mayor, or the barangay. Una, paisa-isa lang yan. Ngayon kaso dinumog na ng tao, ibig sabihin wala nang control pati yung protocol ngayon ay na-violate na," anito batay sa report ng GMA News at PhilNews.

Ganunpaman, pinuri rin ni Diño ang inisyatibo ng mga organizers ng mga community pantry at sinabing dapat na tulungan ang mga ito ng LGU at barangay upang masigurong masusunod pa rin ang safety protocols.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Simot! Grupo ng kababaihan, nilimas ang laman ng isang community pantry

Pero ayon naman kay Undersecretary Jonathan Malaya, hindi na kailangan pang mag-require ng permit ang barangay.

"It will be counterproductive sa panahin ng pandemya kung saan kailangan nating magtulungan na mayroong galaw para ipatigil ito. Sabi namin sa barangay, huwag niyong i-require kumuha ng permit. Hayaan n'yo 'yan," ani Malaya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, viral ngayon sa social media ang video kung saan nakuhanan ang isang grupo ng kababaihan na inubos ang laman ng isang community pantry sa Pasig City.

Nananawagan naman ang isang Barangay Kagawad matapos mawala rin ang mesa at upuan sa kanilang community pantry na pinaglalagyan ng mga donasyon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone