4 na tinest na dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, negative sa antigen

4 na tinest na dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, negative sa antigen

- Negatibo sa antigen test ang apat na dumalo sa community pantry ni Angel Locsin

- Nilinaw ito ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU)

- Ayon sa CESU, sumailalim din sa RT-PCR test ang apat ngunit hindi pa lumalabas ang resulta

- Isa sa mga ito ang nakitaan ng mga sintomas ng COVID habang ang tatlo ay mga asymptomatic

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May paglilinaw ang Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ukol sa ulat ng mga nagpa-test matapos dumalo sa community pantry ni Angel Locsin noong nakaraang linggo.

Batay sa report ng DZBB Super Radyo, negatibo sa antigen test ang apat na indibidwal na ito.

Ayon sa CESU, sumailalim din sa RT-PCR test ang apat ngunit hindi pa lumalabas ang resulta sa ngayon.

4 na tinest na dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, negative sa antigen
Photo: Angel Locsin (@therealangellocsin)
Source: Instagram

"Wala pa tayong nagpo-positive doon sa mga nagpunta. ’Yung unang apat ay na-antigen test natin at sila ay negative. Pagkatapos ng antigen, pinapa-swab for RT-PCR so pinadala pa ito sa laboratory," ayon kay CESU Chief Dr. Rolando Cruz, sa report ng News5.

Read also

1 sa pumila sa community pantry ni Angel Locsin, nakitaan ng sintomas ng COVID

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa sa apat na ito ay nakitaan ng mga sintomas ng COVID-19 tulad ng pananakit ng ulo at kawalan ng panglasa at pang-amoy habang ang tatlo ay mga asymptomatic, na una nang naiulat ng KAMI.

Hinihikayat din ni Cruz na magpa-test ang mga dumalo sa community pantry ng aktres.

"Today is the fifth day since Ms. Locsin’s event. The average incubation period for COVID-19 is approximately five days. So we call on everyone who went to last Friday’s gathering, please report to us and have yourself tested. If there was a transmission and you were exposed, you may observe some symptoms manifesting starting today," anito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Nurse, ipinasilip ang halaga ng natanggap na Special Risk Allowance

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, agad na humingi ng sorry si Angel Locsin matapos magkagulo sa kanyang community pantry kung saan isang matandang lalaki ang nasawi.

Ang pamilya ng senior citizen, sinabing wala silang sinisisi sa nangyari.

Si Angelica Locsin Colmenares, o mas kilala bilang Angel Locsin, ay isang Filipino film and TV actress, film producer, fashion designer, at commercial model. Nakilala ito sa kanyang pagganap sa Mulawin at Darna ng GMA Network. Noong 2007 nagulat ang marami nang lumipat ito sa Kapamilya Network.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel