Gamer, deadma sa pagkakabangga ng isang bus sa bahay nila habang siya ay naglalaro
- Viral sa social media ang litrato ng isang binatilyo na nakaupo sa loob ng kanilang bahay at naglalaro ng mobile game
- Ito ay sa kabila ng gulong nangyayari sa kanilang bahay matapos mabangga ang isang bus sa isang bahagi ng bahay nila
- Makikita din ang litrato ng isang pampublikong bus na bumangga sa kanilang bahay na nasa gilid ng daan
- Umani ng samu't-saring nakakaaliw na reaction ang post na ito at marami ang naka-relate sahilig nito sa paglalaro ng mobile games
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agad na umani ng maraming reaksiyon ang post kung saan makikita ang isang lalaki na nakaupo sa loob ng kanilang bahay at abala sa kanyang paglalaro sa kanyang cellphone.
Sira at nagulo ang ilang bahagi ng kanilang bahay matapos mawalan ng kontrol ang isang pampublikong sasakyan at bumanga sa kanilang bahay na nasa gilid lamang ng kalsada.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kinaaliwan ng netizens na sa kabila ng mga taong nabahala sa labas, tuloy pa rin sa kanyang laro ang nasabing lalaki na tila ba walang nangyari.
Ayon sa Facebook post ng 89.7 Radyo Bandera Sweet FM North Negros, deadma umano ang binatilyong ito dahil sa kanyang paglalaro ng Mobile Legends.
Narito ang mga nakakaaliw na reaksiyon ng netizens:
Road to mhytical glory na yan.Huwag kang pasaway ceres sayang ung points.
Good Job! Yan lang wag papa apekto sa mga negatibong pangyayari sa paligid mo! Di mo nmn yan problema kasi babayaran ka nmn nang damages nang mga yan! Haha Big Brain. No pressure.
Bus ka lAng ML player ako! Tapang c kuya ah.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Parami nang parami ang kabataang nawiwili sa paglalaro ng mobile games sa kasalukuyan. Dala na rin ng pagkabagot na hindi masyadong nakakalabas ng bahay, lalong dumami ang nahihilig sa paglalaro ng online games.
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ayon nga sa kasabihan, lahat ng sobra ay masama. Ang sobrang pagkakahilig sa mobile games ay mayroong mga hindi magandang naidudulot. Isang binatilyo ang bumigay ang katawan dahil sa walang humpay na paglalaro.
Mayroon ding mga relasyon ng mag-asawa na naapektuhan dahil sa sobrang pagkakahilig sa paglalaro ng mobile games.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh