Binatilyong labis daw maglaro ng ML, bumigay ang katawan at isinugod sa ospital
- Viral ang post tungkol sa isang binatilyong isinugod sa ospital dahil sa labis daw na paglalaro ng Mobile Legend
- Sobra raw itong magpuyat dahilan para manghina ang kanyang pangangatawan
- Taekwondo player pa naman ang binatilyo at maging ang kanyang coach ay napapansin na ang kanyang panghihina
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang agad nag-share ng ngayo'y viral post ng netizen na si Joel Villota tungkol sa binatilyong labis na maglaro ng Mobile Legend.
Ayon sa post, madalas daw itong magpuyat dahil daw sa paglalaro ng ML. Mas matindi raw ang pagkalulong ng binatilyo ngayon dahil sa naaapektuhan na ang pagpasok nito sa eskwela.
Maging ang coach nito sa Taekwondo ay napapansin ang panghihina ng di napangalanang binatilyo.
Matinding pangaral ang inabot nito kay Joel dahil siya ang tumulong na maipagamot ang binatilyo.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Nabanggit din kasing nababarkada ang lalaki na hindi rin naman maganda ang impluwensiya sa kanya.
Makikita sa post ang ilan sa mga ginawa sa binatilyo nang maisugod ito sa ospital.
Nabanggit din na maaring utak na ang naapektuhan ng labis na paglalaro ng sikat na mobile game na ito.
Magsilbing aral na rin ito lalo na sa mga kabataan na sana'y magkaroon ng disiplina sa sarili. Tandaan, lahat ng labis ay may di magandang naidudulot sa atin.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.
Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh