Nang dahil sa Mobile Legends, relasyon ng mag-asawa nabalot ng sakit

Nang dahil sa Mobile Legends, relasyon ng mag-asawa nabalot ng sakit

- Lumayas daw si misis matapos nilang mag-away ni mister dahil sa mobile game na Mobile Legends

- Reklamo ni misis, nagawa raw siyang pagtulungan ng kanyang mister at sariling ina dahil dito

- Pero depensa ni mister, naadik na raw kasi si misis sa Mobile Legends at napabayaan na ang responsibilidad nito bilang may-bahay

- Si Raffy Tulfo naman, hindi naiwasang magbigay ng payo para sa mga Pilipinong labis na ngang nalulong sa larong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi na ng tulong sa programang "Raffy Tulfo in Action" ang mister na si Marc Kevin Labbao upang makausap ang kanyang misis na si Marie Labbao.

Nang dahil sa Mobile Legend, relasyon ng mag-asawa nabalot ng sakit

Photo from Raffy Tulfo in Action Facebook page
Source: Facebook

Nilayasan na raw kasi sila ni misis matapos silang mag-away dahil sa mobile game na Mobile Legends.

Pero nang makausap na ang naglayas na misis, sinabi nitong ang pananakit ng mister at ng kanyang sariling ina ang dahilan ng kanyang pag-alis.

Ayon kay Marie, pinagtulungan daw siya ni mister at ng kanyang nanay mismo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Depensa naman ni Marc, nag-ugat daw ang lahat dahil sa pagiging adik ni Marie sa Mobile Legends.

Dahil dito ay napabayaan na raw ng asawa ang responsibilidad nito bilang may-bahay.

Inamin naman ito ni Marie ngunit hindi raw ito dahilan para siya ay bugbugin ng dalawa.

Tumanggi na rin itong bumalik pa sa asawa.

Para naman kay Raffy Tulfo, dapat na bigyan muna ng oras ni Marc ang asawa upang makapag-isip pa ito alang-alang na rin sa kanilang isang anak.

Pinayuhan din nito si mister na suyuin ang asawa upang siya ay agad na mapatawad nito.

Hindi naman naiwasan ni idol Raffy na magbigay ng payo sa lahat ng mga Pilipinong nalulong na nga sa sikat na mobile game.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist sa Pilipinas.

Kilala ito dahil sa kanyang public service.

Kamakailan lang, isang OFW ang lumapit kay idol Raffy para magpatulong laban sa misis nito na nilayasan daw ang kanilang mga anak para sa ibang lalaki.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel