Tulfo, pabibigyan ng leksyon ang mga tropa ni Tim Sawyer na 'nagsasayaw' sa labas ng korte

Tulfo, pabibigyan ng leksyon ang mga tropa ni Tim Sawyer na 'nagsasayaw' sa labas ng korte

- Nagulat si Raffy Tulfo nang malamana ng umano'y kawalang galang ng mga kasama ni Tim Sawyer sa korte

- Nabanggit ni Atty. Garreth Tungol, ang mga ingay at 'pagsasayaw' ng mga kasama ni Tim sa unang hearing ng kaso nito na isinampa ni China Roces

- Nais ni Tulfo na mabigyan ng leksyon ang mga kasama noon ni Tim na umano'y nangutya at nambasto sa piskalya

- Patuloy na tututok ang Raffy Tulfo in Action sa mga magiging kaganapan sa kaso ni Tim Sawyer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanayam ni Raffy Tulfo sa 'Wanted sa Radyo' ang model/actress at vlogger na si China Roces kaugnay sa kasong isinampa nito sa dati niyang kinakasamang si Tim Sawyer.

Ito ay matapos na mailabas ang arrest warrant para kay Tim nitong Mayo 27.

Sa update na ibinigay ni China sa pangungumusta sa kanya ni Tulfo, nasabi nitong itutuloy pa rin niya ang kaso kahit nakapagpiyansa na si Tim.

Read also

Toni Fowler kina Rob Moya at Tim Sawyer: "Ganun po talaga, same feather flock together"

Tulfo, pabibigyan ng leksyon ang mga tropa ni Tim Sawyer na 'nagsasayaw' sa labas ng korte
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ito ay dahil sa patuloy pa rin siya umano nitong kinukutya. Katunayan, ni-reenact pa umano nito ang isang insidente kung saan sangkot si China.

Maging si Atty. Garreth Tungol ng ACT-CIS na siyang abogado rin ni China ay nagbigay ng kanyang pahayag ukol sa inasal umano ng mga tropa ni Tim sa unang hearing ng kaso.

Pahayag ng abogado, nakuha pa umanong mag-ingay at magsasayaw na animo'y nagpa-practice ang mga kasama ni Tim habang isinasagawa ang hearing.

Tila minamaliit daw umano ng mga ito ang proseso at kinakitaan ito ng kawalang galang sa korte.

Dahil dito, nais din ni Tulfo na mabigyan ng leksyon ang mga kasama ng inirereklamong vlogger sa nasabing hearing.

Patuloy ding tututok ang Raffy Tulfo in Action sa kaso na ito ni Tim Sawyer na sinasabing ilang beses umanong nanakit sa dating kinakasama na si China Roces.

Read also

Tim Sawyer, nakapagpiyansa sa kasong isinampa sa kanya ni China Roces

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang dumulog si China Roces sa programa ni Tulfo matapos na mag-viral ang Facebook live ng pagtatalo nila ni Tim Sawyer.

Nagawa pa silang mapag-ayos noon ni Tulfo ngunit bago matapos ang taong 2020, kinumpirma ni China na tuluyan na silang naghiwalay ni Tim at hindi na talaga sila nagkasundo.

Tuluyan na ring kinasuhan ni China ang dating kinakasama sahil sa umano'y pananakit nito ng pisikal kaya nais niya itong mabigyan ng karampatang leksyon at kaparusahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel