Tim Sawyer, nakapagpiyansa sa kasong isinampa sa kanya ni China Roces

Tim Sawyer, nakapagpiyansa sa kasong isinampa sa kanya ni China Roces

- Nakapagpiyansa ang vlogger na si Tim Sawyer sa kasong isinampa sa kanya ng dating nobya na si China Roces

- Nakapanayam ni Raffy Tulfo sa kanyang programang Wanted sa Radyo si China Roces kaugnay sa mga update ng kaso

- Maging si Atty. Garreth Tungol na siyang abogado ni China ay nagbigay ng detalye sa kaso kung saan nag-voluntary surrender ang vlogger

- Sa kabila ng mga pangyayari, itutuloy pa rin umano ni China ang kaso upang mabigyan ng leksyon ang dating kinakasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanayam ni Raffy Tulfo ang model/actress na si China Roces kaugnay sa itinatakbo ng kasong isinampa niya laban sa dati niyang kinakasama na si Tim Sawyer.

Nalaman ng KAMI na matapos noong dumulog sa programa ni Tulfo si China at nagkaayos pa raw sila umano ni Tim.

Read also

Tim Sawyer, pinaghahanap na kaugnay sa kasong isinampa sa kanya ni China Roces

Subalit, mas lalo raw lumala ang inaasal nito na hindi maganda na nauwi sa pananakit.

Tim Sawyer, nakapagpiyansa sa kasong isinampa sa kanya ni China Roces
Photo: Tim Sawyer
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ito ang nagsilbing hudyat para tuluyan nang kasuhan ni China si Tim noong Enero ng kasalukuyang taon.

Mayo 27 nang mailabas na ang warrant of arrest parasa vlogger. Pinuntahan siya ng NBI sa dalawa umano nitong tinutuluyang bahay sa Cavite.

Nang makapanayam naman ni Tulfo si Atty. Garreth Tungol, sinabi nitong nakapagpiyansa si Tim at nag-voluntary surrender ito.

Gayunpaman, desidido pa rin si China na kasuhan ang dating kinakasama.

Sinabi rin nito na hindi pa rin tumitigil si Tim sa mga patutsada nito sa kanya kaya naman nararapat lamang na bigyan na ito ng leksyon.

Dagdag pa ni Atty. Garreth, 3 counts ng physical abuse ang isinampang kaso sa vlogger kung saan maari siyang makulong ng anim hanggang walong taon.

Read also

Gwapong modelo, inireklamo kay Raffy Tulfo matapos daw limasin ang ipon ng ex-GF

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sina Tim Sawyer at China Roces ay mga social media artists na gumagawa ng mga video na may tema tungkol sa pakikipagrelasyon. Marami ang naaliw sa mga videos ng dalawa.

Unang sumikat si Tim sa social media dahil sa pag viral ng video niya kung saan nagustuhan niya ang isang flight attendant.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang unang nag-viral ang dalawa matapos ibahagi ni China sa pamamagitan ng Facebook live ang pag-aaway nila ni Tim. Gayunpaman, nagkaayos sila sa tulong na rin ni Raffy Tulfo.

Subalit bago matapos ang taong 2020, kinumpirma nitong hindi na talaga silang muling nagkaayos ni Tim.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel