KMJS, nilinaw na hindi "scripted" ang pag-aararo at pagsasaka ni Reymark Mariano
- Naglabas ng pahayag ang Kapuso Mo, Jessica Soho kaugnay ng mga kumakalat sa social media tungkol sa naitampok nilang si Reymark Mariano
- May ilang nagsasabi na hindi umano totoo na nag-aararo at nagsasaka ang 10-anyos na bata
- Gayunpaman, marami umano ang makapagpapatunay na totoo ang trabaho ng bata at ng kanyang pamilya
- Sinabi rin na mismong si Reymark ang nakiusap sa programa na huwag nang ipaalam pa sa publiko ang detalye tungkol sa kanyang mga magulang
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakarating na sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang kumakalat na post kaugnay sa naitampok nilang batang si Reymark Mariano.
Nalaman ng KAMI na may mga nagsasabing hindi umano totoong nag-aararo at nagsasaka ang 10-anyos na bata.
Ayon mismo sa pahayag ng KMJS sa kanilang official Facebook page, sinabi nilang nagsaliksik ang kanilang team na nakisalamuha pa at nakipamuhay pa sa pamilya ni Reymark.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang KMJS team din mismo ang nakasaksi sa hirap ni Reymark sa pagsasaka na naipakita rin sa programa.
Samantala, sinabi rin ng programa na mismong ang bata pala ang humiling na huwag nang i-detalye pa ang nangyari sa kanyang mga magulang dahil ito ay personal nang bagay.
Hiling din ni Reymark na tigilan na umano ang pagba-bash sa kanyang ina na nang-iwan umano sa kanila at ipinakitang bumalik isang linggo matapos maitampok ang kwento niya sa KMJS.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Reymark Mariano ay ang 10-anyos na batang umantig sa puso ng marami nang maibahagi ang kwento nito sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Sa murang edad ni Reymark ay siya na ang tumutulong sa kanyang lolo na mag-araro at magsaka. Matapos na maitampok ang kwento ng buhay ni Reymark sa nasabing programa, dinagsa na ito ng tulong.
Maging ang mga kababayan nating OFW ay nagpadala rin ng tulong pinansyal sa bata lalo na at humanga sila sa kasipagan nito.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh