Mga OFW, nakalikom ng malaking halaga ng pera na ipadadala nila kay Reymark Mariano

Mga OFW, nakalikom ng malaking halaga ng pera na ipadadala nila kay Reymark Mariano

- Maging ang mga overseas Filipino workers sa ibang bansa ay magpapadala ng tulong sa batang si Reymark Mariano

- Ito ay matapos nilang mapanood ang buhay nito sa Kapuso Mo, Jessica Soho

- Labis din umano silang naantig sa kwento ng batang sa edad na 10 ay nag-aararo at nagsasaka na

- Bukod sa mga OFW, marami na ring natanggap na tulong ang batang si Reymark na walang pagsidlan ang kaligayahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila saanmang sulok ng mundo ay nakapanood ng kwento ng buhay ng batang si Reymark Mariano na naipalabas sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nalaman ng KAMI na dahil dito, maging ang mga kababayan nating overseas Filipino workers ay magpapaabot ng tulong para kay Reymark.

Matatandaang siya ang batang nagpaluha sa bawat isa sa atin nang kanyang ibahagi ang buhay niya na sa edad 10 ay nag-aararo na at nagsasaka para makatulong sa pamilya.

Read also

Batang lalaki, napatalon sa tuwa sa tila maagang pamasko na bigay ng isang rider

Mga OFW, nakalikom ng malaking halaga ng pera na ipadadala nila kay Reymark Mariano
Photo: Reymark Mariano (Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Sa post ni Stewart Portaves, ibinahagi niya ang kabuuang halagang nalikom nila para maipadala sa bata.

Sa huling update nito noong Mayo 27 ay umabot na sa CAD$ 4, 535.94 o Php180,984 ang nalikom nilang pera para sa masipag na batang si Reymark.

Bago pa man ito, marami nang biyayang natanggap si Reymark mula sa mga nakapanood ng kanyang kwento.

Mula sa mga grocery items, sako-sakong bigas at tulong pinansyal, natanggap lahat ito ng masipag na bata.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mayroon ding grupo na nagsadya pa talaga sa kanyang kinaroroonan upang handugan siya ng bagong kabayo.

Nabanggit din kasi sa KMJS na matanda na umano si "Rabanos" ang kabayong gamit ni Reymark sa pag-aararo.

Kaya naman ang mga luha niya ay napalitan na ng mga ngiti sa kanyang labi sa sobrang pasasalamat sa mga biyayang kanyang patuloy na tinatamasa.

Read also

OFW na janitor sa France, ipinakita ang mansion na kanyang naipatayo sa Pampanga

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa rin sa mga sinubaybayang kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho ay ang tungkol sa 'baby switching' na naganap sa pamilya Mulleno at Sifiata.

Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.

Umabot sa part 5 ang episode na ito ng KMJS kaya naman marami ang natuwa at "happy ending" naman ang kinahinatnan ng dalawang sanggol sa dalawang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica