Batang lalaki, napatalon sa tuwa sa tila maagang pamasko na bigay ng isang rider
- Talagang napatalon sa tuwa ang isang batang lalaki matapos na mabigyan ng pera ng isang rider
- Mismong ang GMA reporter na si Jun Veneracion ang nakakita at nakakuha ng video ng nakatutuwang pangyayari
- Hinangaan naman ng marami ang rider na nakapagbigay saya sa bata at hindi niya ito binigo
- Ayon pa sa netizens tila napaaga ang pasko sa batang lalaki na tuwang-tuwa sa kanyang natanggap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ang video ng isang batang lalaki na napatalon sa sobrang saya sa ibinigay na pera sa kanya ng isang rider.
Nalaman ng KAMI na lumapit ang batang lalaki sa rider na agad namang nag-abot sa kanya ng biyaya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa sobrang saya, natalon-talon pa ang bata at bumalik ang tingin sa rider na animo'y muli itong nagpapsalamat.
Mismong ang GMA reporter na si Jun Veneracion ang "naka-hulicam" ng nakatutuwang pangyayari.
Ayon pa sa netizens tila napaaga ang pasko sa bata na maagang nakatanggap ng aginaldo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, nag-viral din kamakailan ang batang si Reymark na naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Marami ang humanga kay Reymark na sa edad na 10 ay nag-aararo na at nagsasaka para lamang makatulong sa kanyang lolo at lola na siyang kumupkop sa kanya.
Dahil sa marami ang naantig ang puso sa dinaranas ni Reymark, dinagsa ito ng tulong mula sa mga nakapanood ng kanyang kwento sa KMJS.
Gayundin ang isang anim na taong gulang na bata na sinurpresa ng kanyang mga magulang sa kanyang kaarawan.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Hinangaan din ito ng mga netizens dahil sa kanyang murang edad na anim na taon, nauunawaan na niya kung bakit malayo ang kanyang mga magulang habang siya ay nasa probinsya.
Sinisiguro naman ng mga magulang nito na naghahanapbuhay na naibibigay nila ang mga pangangailangan ng kanilang anak at madalas din naman daw nila itong kausap sa pamamagitan ng video call.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh