Puregold, itinama na ang viral poster na bawal ang mga "16-65 anyos" sa store

Puregold, itinama na ang viral poster na bawal ang mga "16-65 anyos" sa store

- Naglabas na ng pahayag ang Puregold kaugnay sa viral na poster nila kung saan binabawalang pumasok sa kanilang store ang may edad "16 to 65 year-old"

- Nagbigay kalituhan kasi ang naturang poster sa marami at habang nagawa namang magbiro ng ilan

- Nabanggit sa pahayag na nabago na umano nila ang poster na patunay lamang na nagbabasa umano ng mabuti ang kanilang mga Ka-Puregold

- Umani ito ng iba't ibang nakakatuwang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na ng pahayag ang Puregold matapos na kumalat ang larawan ng kanila umanong poster na nagbigay kalituhan sa publiko.

Nalaman ng KAMI na nakasaad sa nasabing poster na 'di maaring pumasok ang may edad "16 to 65 year-old" sa pamilihan.

Taliwas ito sa inilabas na IATF na ang lahat ng may edad 17 pababa at 65 pataas ang hindi maaring pumasok sa anumang establishments bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Read also

Lalaking nag-iikot sa BGC at may karatulang "Check on your friends", hinangaan

Mapapansing kuha ang larawan noong Mayo 27 habang mabilis naman itong nag-viral ngayong Mayo 28.

Habang nalito at napaaisip ang ilan, tila naging pampa-good vibes naman ito sa marami.

Puregold, napalitan na ang viral poster na nagsasabing bawal pumasok ang "16-65 anyos"
Photo from Puregold
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang reaksyon ng ilang netizens:

"Hala, yung 3 years old ko nalang na anak at yung nanay ko na 72 ang mamimili, sino kayang magbubuhat ng mga mabibibili nila"
"Teka, gigisingin ko si bunso, siya lang ang pwede pumasok sa Puregold"
"Naku po, mababasag ang budget ko kapag itong 14 anyos ko ang maggo-grocery."
"Nananaginip ba ako? baliktad na talaga ako mundo?"
"Ah baka kasi inip na raw yung mga 15 years old pababa at mga may edad 66 pataas sa bahay kaya sila naman ang pwedeng lumabas at mamili sa Puregold"

Samantala, sa pahayag ng Puregold, napatunayan lamang daw nilang nagbabasa ang kanilang mga suki.

Read also

2 nagpositibo sa COVID-19 matapos makipag-inuman sa lalaking dapat naka-quarantine

Masaya rin daw silang napatawa nila ang publiko na siyang mahalaga sa pangyayaring ito.

Nilinaw na rin nila na ang mga may edad 18 hanggang 65 ang mga pinahihintulutan nilang makapasok at makapamili sa kanila mga store branches.

Puregold, napalitan na ang viral poster na nagsasabing bawal pumasok ang "16-65 anyos"
Photo from Puregold
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kasalukuyan pa rin na nasa ilalim ng General Community Quarantine ang Metro Manila. Kaakibat nito ang patuloy pa ring pagbabawal na lumabas sa karamihan.

Sa kabila kasi ng pagdating ng vaccine sa bansa at marami na ang nababakunahan, pinapaalala pa rin ang pagsasagawa ng minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, social distancing at palagiang pagdi-disinfect.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica