Lalaking nag-iikot sa BGC at may karatulang "Check on your friends", hinangaan

Lalaking nag-iikot sa BGC at may karatulang "Check on your friends", hinangaan

- Hinangaan ng marami ang isang lalaki na nag-iikot habang may suot na karatulang "Check on your friends"

- Sakay ng kanyang scooter, agaw-eksena umano ang lalaki na mayroon pang nakasulat na "Make sure they are ok" sa kanyang likod

- Mayo 21 nang mamataan siya sa kalsada ng Bonifacio Global City sa Taguig na talagang nakapukaw ng atensyon ng marami

- Umani ng papuri ang lalaki dahil sa simpleng paalala niya na napapanahon ngayong pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng maraming netizens ang lalaking may suot ng karatula na nakasulat ang "Check on your friends" sa harap habang "Make sure they are ok" naman sa kanyang likuran.

Nalaman ng KAMI na nag-ikot ang lalaking ito noong Mayo 21 sa mga kalsada ng Bonifacio Global City sa Tagui na pumukaw sa atensyon ng marami.

Read also

Gloc-9 sa kurso niyang Nursing: "Hindi ako habang buhay mag ra-rap"

Isa na rito ang nakakuha ng kanyang larawan na si Drin Lino na isa rin sa labis na humanga sa kanya.

Lalaking nag-iikot sa Taguig at may karatulang "Check on your friends", hinangaan
Photo from Aldrin Lino
Source: Facebook

"This person in Forbestown giving us the best reminder," ang caption ng kanyang post.

Sakay ng kanyang scooter, nag-ikot ang lalaking hindi pa nakikilala na nagbigay ng napakagandang mensahe na napapanahon ngayong pandemya kung saan hindi basta-basta makapagkita-kita ang magkakaibigan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang komento ng ilang netizens na labis na hinangaan ang ginawang paalala ng lalaki.

"Upon seeing him, napatawag talaga ako sa mga BFFs ko. Na-realize ko, hindi ko an pala sila nakamusta lately"
"Pagkauwi ko, nag-video call agad kami ni besty ko... I'm glad that we are still ok"
"Thanks bro, dahil sa'yo tinawagan ako ng tropa ko nakita ka raw niya"
"Whoever you are, thank you! yung friend ko na sobrang nami-miss ko na biglang nakipag-video call sa akin"

Read also

Php10,000 na nakaipit sa ATM, naibigay pa rin sa may-ari

"Nag-iyakan kani ng bestfriend ko nung tinawagan ko siya because of this guy... now she's ok na"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa lamang ang ginawa na ito ng lalaki sa mga magagandang bagay pa rin na nangyayari sa kabila ng dinaranas nating pandemya.

Matatandaang isang pedicab driver ang nag-viral matapos na hangaang ito dahil sa kanyang free mask at shield sa mga pasahero niyang makakalimot na magdala ng mga ito.

Naawa raw siya sa mga pasaherong madodoble pa ang pamasahe para lang balikan ang mask o shield nila kaya naisip niyang maglagay ng mga ito sa kanyang pedicab.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel