Pedicab driver na may pa-free mask at shield sa kanyang mga pasahero, hinangaan
- Hinangaan ng marami ang isang pedicab driver sa San Mateo Rizal dahil sa libre niyang face mask at face shield sa mga pasahero
- Isa sa mga nakasakay ang nagbahagi sa social media ng mga "freebies" sa loob ng pedicab
- Aminadong nakakataba raw ng puso ang ginagawa ng tsuper na sa kabila ng hirap ng buhay, nakuha pa rin na magbahagi sa iba
- Sa ngayon, umani na ng nasa 30,000 na mga positibong reaksyon ang viral post
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng maraming netizens ang post ni Camille Joselle tungkol sa pedicab na kanyang nasakyan.
Nalaman ng KAMI na nagulat si Camille dahil may libreng face mask at face shield na ipinamamahagi ang pedicab driver na si Rogelio Cañares.
"Mahal kong pasaheros, 'yong papasok sa trabaho na walang face shield, libre po ang face shield, face mask at alcohol dito"
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kwento ni Tatay Rogelio, naisipan niyang maglagay ng face mask at face shield sa pedicab nang may naging pasahero siya na nakalimot ng face shield.
Mapapamahal pa raw sa pamasahe ang mga makakalimot ng face shield kung babalik pa sa kanilang bahay para lamang kunin ito.
Kaya naman nagmalasakit na si Tatay Rogelio sa mga susunod niyang magiging pasahero na makakalimot sa kanilang face mask at face shield na mahalaga ngayon sa tuwing lumalabas ng bahay.
Labis na bumilib sa kanya si Camille kaya naman ibinahagi niya ang nakaka-inspire na kwentong ito sa social media.
Dahil sa viral post, marami na rin ang nagpaabot ng tulong kay Tatay Rogelio base na rin sa pinakabagong update ni Camille.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa panahon ng pandemya, masasabing isa sa mga magaganda pa rin na nangyayari sa atin ay ang pagtutulungan ng bawat isa.
Tulad na lamang ng community pantry na nasimulan sa Maginhawa Street sa Quezon City, tila nagkaroon nito ng "domino effect" na maging sa bansang Timor Leste ay ginagawa rin ito.
Marami sa ating mga kababayan ngayon ang nagbabahagi ng kanilang tulong sa kani-kanilang paraan at ang nakatataba pa ng puso ay ang malaman na maging ang mga walang-wala ay nakukuha pa rin na magbigay ng kung anuman ang meron sila.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh