Taho vendor, hinangaan sa pagbibigay ng libreng taho sa nadaanang palaboy

Taho vendor, hinangaan sa pagbibigay ng libreng taho sa nadaanang palaboy

- Nasapul sa video ang pagbibigay ng libreng taho ng tindero nito sa isang palaboy

- Nakunan ito ng isang security guard na labis na humanga sa kanyang nasaksihan

- Maraming netizens ang humanga sa ginawang ito ng taho vendor

- Isa raw itong ebidensya na ngayong panahon ng pandemya, lumalabas sa bawat isa sa atin ang likas na pagiging matulungin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taho vendor, hinangaan sa pagbibigay ng libreng taho sa nadaanang palaboy

Taho vendor (Photo from Edhil Escarez)
Source: Facebook

Viral ang video ng isang taho vendor na nagbigay ng libreng taho sa nadaanang palaboy.

Nalaman ng KAMI na kuha ito ng isang security guard na si Edhil Escarez na natuwa at humanga sa ginawa ng naglalako ng taho.

Ayon sa Lipa Status, kuha raw ito sa gilid ng highway sa Lipa kung saan nakaupo ang lalaking palaboy ng kalsada.

Kitang-kita sa video na maayos na inabot ng tindero ang isang basong taho na agad namang ininom ng palaboy.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Pagkabigay, agad din namang umalis ang naglalako ng taho ayon sa CDN.

Sa panayam ng Philippine Star kay Escarez, sinabi nitong hindi niya akalaing mangyayari ang kanyang nasaksihan.

Sa kakarampot na kita raw kasi ng taho vendor, nakuha pa nitong magbigay sa higit na nangangailangan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinabi pa niyang saludo siya sa ginawang ito ng magtataho na sana ay magsilbing inspirasyon at pamarisan din ng iba.

Masasabing isa sa mga magagandang nangyayari pa rin kahit na mayroong pandemya ay ang pagtutulungan at pagmamalakit natin sa ating kapwa.

Ngayong panahong dumaraan tayo sa matinding krisis dala ng COVID-19, natuto tayong pahalagahan ang kung ano ang meron tayo gayundin ang pagbabahagi ng kung ano man ang mayroon tayo sa mas higit na nangangailangan.

Gaya na lamang ng isang ice cream vendor na kahit kinulang ng pera ang bumili sa kanya, maluwag pa rin niya itong tinangap at ibinigay ang kanyang itinitinda.

Sekyu, nagbabasa-basa na ng mga law books bilang paghahanda sa pag-aabugasya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa simpleng kabutihang kanyang ipinakita, agad na napalitan ito ng nag-uumapaw na biyaya dahil ang kanya pa lang natulungan ay magbibigay sa kanya ng labis-labis na biyaya.

Ang ilan naman, nagagawang bilhin at pakyawin na lamang ang paninda ng ilan nating mga kababayan upang makauwi na ito at makapagpahinga lalo na kung ang naglalako ay may edad na.

Masasabing sa bawat suliranin na ating kinakaharap, naroon pa rin ang pag-asang magiging maayos din ang lahat dahil na rin sa magagandang bagay na nangyayari pa rin sa atin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel