2 nagpositibo sa COVID-19 matapos makipag-inuman sa lalaking dapat naka-quarantine

2 nagpositibo sa COVID-19 matapos makipag-inuman sa lalaking dapat naka-quarantine

- Nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang residente ng Barangay Capri sa Quezon City

- Isa kasi sa kanilang nakainuman ay dapat naka-quarantine matapos na ma-expose sa kaanak na namatay sa COVID-19

- Dahil dito, nasa 1,000 na ang dapat pang ma-swab test dahil nakasalamuha na ng mga taga-ibang barangay ang mga nag-inom

- Una nang nangyari ang isang "super spreader" event sa Quezon City pa rin kung saan 51 na katao naman ang tinaaman ng COVID-19 dahil sa isang pool party

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawa ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na makainuman ang isang lalaki na dapat ay naka-quarantine sa City.

Ayon sa GMA News, lumabas ng bahay ang lalaking dpat na naka-home quarantine matapos na ma-expose sa kaanak na pumanaw dahil sa virus.

Subalit mas pinili pa nitong maghappy-happy at makipag-inuman na siyang naging mitsa ng peligro sa kanyang mga nakainom.

Read also

51 katao, nagpositibo sa COVID-19 matapos dumalo sa isang pool party sa QC

2 nagpositibo sa COVID-19 matapos makipag-inuman sa lalaking dapat naka-quarantine
Photo from StockSnap
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Agad na isina-ilalim sa swab testing sa Barangay Capri sa QC ang mga nag-inom at dalawa nga sa kanila ang nagpositibo.

Ang masaklap, nakasalamuha na nila ang iba pang mga tao maging ang mga taga-ibang barangay kaya naman nasa 1,000 ang dapat na i-swab test upang makumpirma kung mayroon pa silang mga nahawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan laman ay 51 ang mga nagpositibo sa tinaguriang "super spreader" event sa Quezon City pa rin matapos na dumalo ang mga ito sa pool party sa isang barangay.

Ilang linggo lamang ang nakararaan nang umabot na sa mahigit 1 milyon ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas. Maging ang mga health care workers sa bansa na tinamaan ng COVID sa bansa ay patuloy na ring dumami lalo na at napupuno na naman ang mga ospital lalo na sa Metro Manila.

Read also

Aljur Abrenica, inamin ang tungkol sa problema nila ng asawang si Kylie Padilla

Sa katunayan, isang doktor ang pumanaw kamakailan matapos siyang tamaan ng COVID sa pangalawang pagkakataon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica