Doktor na 2 beses nagpositibo sa COVID at nahirapang maghanap ng ospital, pumanaw na

Doktor na 2 beses nagpositibo sa COVID at nahirapang maghanap ng ospital, pumanaw na

- Pumanaw na ang isang doktor na dalawang beses na tinamaan ng COVID-19

- Kahit pa siya ay isang doktor, mahirapan din silang makahanap ng ospital na pagdadalhan sa kanya

- Matapos ang unang pakikipaglaban nito sa COVID-19, madali nang mapagod ang doktor dahilan para hindi na ito gaanong makapag-ehersisyo

- Patunay lamang daw ito na maging ang mga medical frontliners ay hindi nabibigyan ng prayoridad kahit sila na mismo ang tamaan ng nakamamatay na virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang doktor ang sumakabilang buhay matapos na tamaan muli ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na ito na ang ikalawang beses na magpositibo si Dr. Ronald Torres Victorio sa virus at sa kasamaang palad, hindi na niya ito nakayanan.

Ayon sa ulat ng GMA News, kahit na medical frontliner, nahirapan pa rin si Dr. Victorio na makahanap ng ospital na mapagdadalhan sa kanya.

Read also

Angel Locsin, humingi ng sorry dahil sa pagkakagulo sa kanyang community pantry

Doktor na dalawang beses tinamaan ng COVID-19 at nahirapan ding maghanap ng ospital, pumanaw na
Photo from Wikimedia Commons
Source: Facebook

Sa salaysay ng kanyang kaibigan na si Dr. Hermie Maglaya, pitong ospital ang kanilang napuntahan.

Lahat kasi sa mga ito ay sa parking lot na lamang mailalagak ang pasyente hanggang sa makarating na sila sa East Avenue Medical Center.

“Nagpunta kami sa iba’t ibang hospital. Actually pang pito po ang East Avenue sa napuntahang ospital ni doc Victorio. Kasi sa ibang mga ospital po hanggang parking lot lang po si doc”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dagdag pa ni Maglaya, labis na nakakalungkot sa parte nila bilang doctor na maging sila ay walang kasiguraduhan kung saang ospital pwedeng madala sakaling tamaan ng COVID-19.

Agosto ng 2020 unang nagkaroon ng COVID-19 si Dr. Victorio. Bagama't gumaling, madalas na rin itong makaramdam ng pagod at nanghina na rin talaga ang katawan nito.

“After namin mag-COVID, sabi niya 'di pa niya kayang mag- exercise ulit kasi mula matapos siyang unang COVID, madali na siyang hingalin,” pahayag ni Dr. Maglaya.

Read also

Empleyado, inaakusahang sumahod ng 15 taon kahit na di naman pumapasok

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Mula 2020, kung kailan unang nanalasa ang virus, 2,752 na mga doktor na ang tinamaan ng virus at 33 na sa kanila ang mga nasawi kabilang na si Dr. Victorio.

Bukod dito, ilan din sa mga doktor at medical frontliners sa bansa ang nakaranas ng hindi pagsahod sa tamang oras sa kabila ng buwis buhay nilang ginagawa sa laban natin kontra COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica