Doctor na humaharap na walang gloves sa mga COVID-19 patients, pumanaw na

Doctor na humaharap na walang gloves sa mga COVID-19 patients, pumanaw na

- Pumanaw na ang 57-anyos na doktor sa Italy na humaharap sa kanyang mga pasyenteng may COVID-19 kahit walang gloves

- Minsan na rin siyang nanawagan sa isang programa nila sa telebisyon upang matulungan silang magkaroon ng iba pang kagamitan bilang frontliners sa pandemic na ito

- Nabanggit niyang kinukulang na rin sila sa masks at tinitipid na rin nila ang hand sanitizer na meron sila

- Nalampasan na ng Italy ang China sa bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa naitalang 3, 405 na nasawi sa Italy ang doktor na si Marcello Natali dahil sa COVID-19.

Sa ulat ng Newsweek, nakapanayam pa sa isang television program ang 57-anyos na doktor kung saan nanawagan pa ito ng kakulangan sa gamit tulad ng masks, alcohol o hand sanitizers at gloves sa kanilang ospital na higit na kinakailangan upang maproteksyunan ang kanilang sarili sa nakamamatay na virus.

Nalaman ng KAMI na humaharap pa raw sa COVID-19 patients si Natali kahit wala itong gloves.

Inamin pa niya a naturang interview na hindi sila handa sa kasalukuyang sitwasyon ng Italy na halos daan-daang pasyente ang lumalabas na positibo sa COVID-19 araw-araw.

Ayon sa Italian Federation of General Practitioners na siyang nagkumpirma sa pagkamatay ng doktor, double pneumonia raw ang ikinamatay nito bukod sa virus.

Base sa Euronews, nasa 110 ng 600 na mga doktor ang may mga sakit na at patuloy na inoobserbahan.

Ang kakulangan pa rin sa mga kagamitan at pasilidad ang isa sa kanilang nakikitang sanhi ng mga ito na labis na nakaka-alarma.

Samantala, una nang naibalita ng KAMI na nalampasan na ng Italy ang China pagdating sa bilang ng mga namtay dahil sa COVID-19.

Marso 19, nang makalapapg na sa Italya ang pinadalang medical experts ng China kasabay ng ilang supplies para sa mga health workers.

Umaasa silang sa ganitong paraan unti-unti na rin mababawasan ang patuloy ana lumulobong bilang ng COVID-19 sa Italy.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel