51 katao, nagpositibo sa COVID-19 matapos dumalo sa isang pool party sa QC
- Nagpositibo ang nasa 51 katao sa COVID-19 matapos na sila ay dumalo sa isang pool party sa Quezon City
- Isang video ang nagpapakita ng dami ng tao ng nasabing pagtitipon at wala umano itong mga face mask at face shield
- Dahil dito, tinaguriang "super spreader" ang event kung saan marami sa mga dumalo ang agad na nagpositibo sa isinagawa sa kanilang swab test
- Nagpaalala naman ang alkalde ng Quezon City patungkol sa patuloy pa rin dapat ang pag-iingat gayung hindi pa rin naman nawawala ang COVID-19
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kumpirmado na nagpositibo ang 51 na katao sa COVID-19 matapos na dumalo sa isang pool party sa Quezon City.
Nalaman ng KAMI na mismong ang City Government of Quezon City ay naglabas ng opisyal na pahayag kaugnay sa insidente.
Isang video ang nagpapakita na walang pag-iingat ang mga dumalo sa nasabing pool party.
Sa ulat ng GMA News, hindi umano nagsuot ng face mask o face shield ang mga bisita na karamihan pa umano ay nag-iinuman.
Wala ring social distancing ang mga tao kaya naman mabilis ang pagkalat ng virus.
Tinaguriang "super spreader" ang naturang pagtitipon sa dami ng tinamaan ng COVID-19.
Nagpaalala pa rin ang mismong alkalde ng lungsod na si Mayor Joy Belmonte na patuloy pa rin dapat ang pag-iingat lalo na at hindi pa rin naman nawawala ang virus.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Pinaiimbestigahan na rin ang naturang insidente at kung sinoman ang makikitang lumabag sa mga safety protocols ay mabibigyan ng karampatang parusa.
“Lahat ng mga mapapatunayang lumabag sa ating guidelines at mga ordinansa lalo na iyong mga nagkukumpulan at nag-iinuman o nagkakaraoke ay iisyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) at maaaring makasuhan sa ilalim ng RA 11332”
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay umabot na sa mahigit 1 milyon ang naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas. Maging ang mga health care workers na tinamaan ng COVID sa bansa ay dumami din.
Sa katunayan, isang doktor ang pumanaw kamakailan matapos siyang tamaan ng COVID sa pangalawang pagkakataon.
Bagaman at may vaccine na at ilan na sa ating mga kababayan ang nabakunahan, ibayong pag-iingat pa rin dapat lalo na at patuloy pa rin ang paglaganap ng nakamamatay na virus.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh