Paggamit ng panukat ng otoridad upang masunod ang physical distancing, viral
- Viral sa social media ang pst tungkol sa kung paano ang paraan ng ilang otoridad sa pagpapatupad ng social distancing
- Makikita sa mga litrato na may dalang panukat ang isang pulis at sinusukat nito ang distansiya ng mga taong magkasamang nakaupo
- Umano ng samu't-saring reaksiyon ang nasabing mga litrato at agad itong nag-viral sa Facebook
- Isa sa pinapatupad na alituntunin upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 ay ang pagpapanatili ng physical distancing
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Upang maiwasan ang mabilis na pagkahawahan ng virus sa gitna ng COVID-19 pandemic, ilang health protocols ang pinatupad kabilang na ang physical distancing o pagpapanatili ng isang metrong layo sa bawat tao.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa isang post na ibinahagi ng One Western Visayas Facebook page, makikita ang isng pulis na may dalang panukat upang masiguradong sinusunod ng mga tao ang 1 meter physical distancing.
Agad na nag-viral ang nasabing mga pictures at umabot na sa libo-libo ang shares nito sa Facebook.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.
Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.
Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Umabot na sa mahigit 1 milyon ang naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas. Maging ang mga health care workers na tinamaan ng COVID sa bansa ay dumami din.
Sa katunayan, isang doktor ang pumanaw kamakailan matapos siyang tamaan ng COVID sa pangalawang pagkakataon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh