6-anyos na sinurpresa ng mga magulang sa kanyang kaarawan, hinangaan ng marami

6-anyos na sinurpresa ng mga magulang sa kanyang kaarawan, hinangaan ng marami

- Marami ang humanga sa batang si Francine sa lawak ng pag-unawa nito gayung hindi niya madalas na nakakasama ang mga magulang

- Nag-viral ang video niya kung saan nagawa siyang surpresahin ng mga magulang sa kanyang ika-6 na kaarawan

- Naiintindihan naman umano ng bata kung bakit kinakailangan siyang iwan sa probinsya habang nagtatrabaho naman ang kanyang mga magulang sa Maynila

- Gayunpaman, masaya pa rin ang batang si Francine nang makasama ang mga magulang sa espesyal na araw at binigyan pa siya ng mga ito ng surprise party

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan at hinangaan ng marami ang batang si Francine na walang ibang hiling sa kanyang kaarawan kundi ang makasama ang kanyang mga magulang.

Nalaman ng KAMI na parehong nagtatrabaho sa Maynila ang kanyang mga magulang namamahala sa isang bakery habang si Francine ay naiwan sa Sariaya sa Quezon sa pangangalaga ng kanilang mga kamag-anak.

Read also

Bea Alonzo, hindi inatrasan ang mga gawain sa farm na pinagawa ng kanyang ina

6-anyos na sinurpresa ng mga magulang sa kanyang kaarawan, hinangaan ng marami
Photo: Francine (Franshekaiser's surprise delivery)
Source: Facebook

Sa video ng Franshekaiser's surprise delivery, makikitang sinurpresa si Francine ng ilang mga regalo at liham na mula raw sa kanyang mga magulang.

Mapapansing sa mga mata ng bata na sa kabila ng party na ipinahanda ng kanyang mga magulang ay tila may kulang pa rin sa espesyal niyang kaarawan.

Kaya naman, laking gulat niya ng makitang nakarating ang kanyang mga magulang na sinikap na makadalo sa kanyang kaarawan.

Subalit mas humanga ang mga netizens nang makapanayam na ng Kapuso Mo, Jessica Soho si Francine.

Aniya, nauunawaan naman niya kung bakit kinailangang malayo sa kanya ng mga magulang at ito ay para rin naman daw sa kanya.

Sa kabila rin ng hindi madalas na pagsasama ng mag-anak ni Francine, maayos pa rin na lumaki ang bata.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Read also

Miss Universe Myanmar, hinangaan sa performance niya sa evening gown competition

"Naiiyak ako nang mapanood ko 'yan, lalo na nung sabihin nung bata na naiintindihan naman niya ang parents niya"
"Iba talaga ang presence ng magulang, hindi 'yun matutumbasan ng anumang materyal ng bagay, buti nakarating parents niya"
"Masuwerte ang parents mo Francine at lumaki kang mabait at maunawain na bata, balang araw magakakasama na kayo"
"Mabait na bata si Francine, sa edad niya naipaunawa na sa kanya ang mga sakripisyo ng kanyang mga magulang"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay hinangaan din ang isang batang lalaki na mas pinili pang mamahagi ng biyaya sa iba bilang bahagi ng kanyang birthday party.

Sa halip na magkaroon ng handaan, nagtayo ang kanyang pamilya ng community pantry para sa mga kababayan nilang nagugutom.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica