Bea Alonzo, hindi inatrasan ang mga gawain sa farm na pinagawa ng kanyang ina

Bea Alonzo, hindi inatrasan ang mga gawain sa farm na pinagawa ng kanyang ina

- Sa kanyang panibagong video ay hindi inatrasan ni Bea Alonzo ang ilang gawain sa kanilang farm

- Inutusan siya ng kanyang mama na gawin ang ilan sa mga pangkaraniwang ginagawa sa kanilang farm na Beati Firma

- Kabilang sa kanyang ginawa ay ang magtanim ng kalamansi at magpakain sa kanilang alagang baka

- Marami naman ang humanga na kahit pa isang sikat na artista si Bea ay wala itong kaarte-arteng ginawa ang mga pinag-uutos ng kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi inatrasan ni Bea Alonzo ang ilang mga gawain sa kanilang farm na pinagawa sa kanya ng kanyang mama. Sa kanyang bagong vlog ay pinakita ni Bea at ng kanyang ina ang ilan sa mga ginagawa nila sa farm.

3rd article Entertainment News Entertainment News Entertainment News Entertainment News
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Bea Alonzo, pinasilip ang mga bahay na pinagawa para sa mga staff nila sa farm

Kahit hindi sanay ay nagtanim si Bea ng ilang halaman na pinatanim sa kanya ng kanyang ina.

Matagal na umano itong gustong ipagawa sa kanya ng kanyang ina dahil gusto umano niyang mayroong "ambag" si Bea sa mga pananim doon.

Ang ina niya ang personal na nag-aasikaso sa mga gawain sa farm sa kabila ng pagiging PWD nito. Hindi na siya nakakalakad nang normal at gumagamit na ito ng walker.

Gayunpaman, siya ang nag-iisip ng mga dapat pang gawin para mas mapalago at mapaganda ang kanilang farm.

Kahit takot sa mga baka, nagpakain din si Bea ng kanilang mga baka. Matatandaang sumigaw sa takot si Bea matapos siyang habulin ng baka sa nauna niyang vlog.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Read also

Jelai Andres, kinaaliwan sa kanyang pasaring tungkol sa couple earrings

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, kamakailan ay kinumpirma ng ABS-CBN na hindi na kabilang sa Star Magic si Bea. Naging usap-usapan din kamakailan nang mamataan sina Bea at si John Lloyd na magkasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel