Bea Alonzo, pinasilip ang mga bahay na pinagawa para sa mga staff nila sa farm

Bea Alonzo, pinasilip ang mga bahay na pinagawa para sa mga staff nila sa farm

- Sa kanyang panibagong vlog, pinakita ni Bea Alonzo ang ilan sa mga pagbabago sa kanilang farm

- Kabilang sa kanyang pinakita ay ang kanilang mga puno ng mangga na mayroon nang mga bunga

- Natapos na rin ang mga pinagawang bahay para sa mga staff na nagtatrabaho sa kanilang farm

- Matatandaang sa unang vlog na pinakita ni Bea na inuumpisahan na ang mga bahay na kanilang pinagawa para sa kanilang mga tauhan sa Beati Firma

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang halos dalawang buwan mula nang ibahagi ni Bea Alonzo ang kanyang farm tour sa kanilang farm na pinangalanan nilang Beati Firma, muling nagbahagi ng update si Bea Alonzo.

4th article Entertainment News Entertainment News Entertainment News Entertainment News
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Makikita sa kanyang panibagong vlog na mayroon nang mga bunga ang mga puno ng mangga na nakatanim sa kanilang malawak na farm.

Kabilang din sa nadagdag ay ang pinagawang bahay para sa kanilang mga staff. Matatandaang sa unang video na binahagi ni Bea ay naumpisahan nang gawin ang mga bahay na ito para sa kanilang manggagawa.

Read also

72-anyos na delivery rider, 'di na kinasuhan ang customer na muntik nang manakit sa kanya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa sa nanay ni Bea, siya mismo ang nag-landscape ng sa labas ng bahay ng kanilang mga staff.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa magandang trato ng pamilya ni Bea sa kanilang mga manggagawa:

Ang swerte ng mga staffs, buhay na buhay na dyan sa farm. lahat nandyan na. npaka peaceful & freshair pa..
Grabe ang swerte ng mga kasamahan nila pinagawan din sila ng villa at ang ganda ms bae pa housetour naman bahay ni mang doy bait ni madam M very generous nyo po
Ang bait at ang humble ng pamilya ni Bea the way they treat all their workers..ung sa bahay PA lang na pinapagawa nila sa kanila makikita mo na pinapahalagahan nila ung pagwowork nila sa kanila..

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Mag-inang OFW, good vibes ang hatid sa mga nakakaaliw nilang vlog

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, kamakailan ay kinumpirma ng ABS-CBN na hindi na kabilang sa Star Magic si Bea. Naging usap-usapan din nang minsang mamataan sina Bea at si John Lloyd na magkasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel