Mag-inang OFW, good vibes ang hatid sa mga nakakaaliw nilang vlog
- Nakakaaliw ang mag-inang OFW na sina Geraldine at Fe na ibinabahagi ang buhay nila sa Kuwait sa pamamagitan ng kanilang vlog
- Mayroon silang YouTube channel kung saan marami pang "good vibes" na video ang mapapanood mula sa kanila
- Sa kanila namang Facebook page, nasasagot nila ang mga katanungan ng kanilang mga followers at subscribers at nakapagbibigay inspirasyon din sa kanila
- Katunayan, sa pinakabago nilang video, naikwento ng mag-ina kung paano sila nagkasama sa abroad at kung paano nila kinakaharap ang pandemya gayung malayo sila sa Pilipinas
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Good vibes ang hatid ng mga videos ng mag-inang OFW na sina Geraldine at Fe.
Sa video na kanilang ibinahagi sa kanilang Facebook page na Daughter and Mother Vlog, ikinuwento nila kung paano sila nagkasama sa bansang Kuwait bilang mga domestic helper.
Ayon kay Nanay Fe, 13 taon na siya sa pamilya ng kanyang employer. Nagpapaalam na sana siya noon na umuwi ng Pilipinas ngunit hindi siya nito pinayagan hangga't wala siyang kapalit.
Doon naisipan ni Nanay Fe na ang anak na si Geraldine ang papuntahin ng Kuwait kaya naman sila'y nagkasama.
Halos isang dekada nang magkasama ang mag-ina. Ayon sa kanila may mga "advantage" at "disadvantage" ang kanilang pagsasama roon.
Siyempre, isa sa mga advantage na magkasama sila sa trabaho ay ang pag-alalay ni Geraldine sa ina lalo na at nagkakaedad na ito.
Sa mga gawaing kailangan na mabilisan o kailangan ang pag-akyat at pagbaba, si Geraldine na ang inaasahan ni Nanay Fe.
Masaya rin siyempre na magkasama silang mag-ina lalo na at naipagluluto pa rin ni Nanay Fe ang kanyang anak.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Samantala, isa sa mga nabanggit nilang disadvantage ay ang pagsasawalang kibo na lamang ni Nanay Fe sa tuwing napagsasabihan ng amo si Geraldine kahit na ito nama'y nasa tama.
Bilang sila umano ay nangangamuhan, isa sa ginagawa nila ang pag-unawa at pag-intindi sa kanilang amo sa anumang pagkakataon.
Dala na rin ng kanilang panalangin, naging maayos ang pakikitungo sa kanila ng mga amo maging ang mga alaga nilang bata.
Naibahagi rin nila ang naging epekto sa kanila ng pandemya lalo na at malayo sila sa bansa.
Laking pasalamat nila na maingat din ang kanilang mga amo at hindi naman sila pinababayaan.
Hindi rin sila basta-basta pinalalabas para na rin sa kanilang kaligtasan at seguridad.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng video mula sa kanilang Facebook page at mas marami pang mga makukulit at masasayang vlogs ang mag-ina sa kanilang YouTube channel na "Mag-Ina OFW Vlog":
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Nakatutuwang isipin na sa kabila ng maraming pagsubok na dinaranas natin ngayon, kahanga-hangang nalalampasan ito ng marami sa atin maging ng mga kababayan nating OFW.
Tulad nina Nanay Fe at Geraldine, marami sa ating mga kababayan sa abroad ang gumagawa ng kani-kanilang paraan para maibsan ang lungkot na mawalay sa kanilang mga mahal sa buhay lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Ang ilan naman sa kanila ay pinalad nang makauwi sa bansa dahil sa sapat na ipon at negosyong nakaabang sa bansa upang hindi na muling mawalay pa sa kanilang pamilya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh