Miss Universe Myanmar, hinangaan sa performance niya sa evening gown competition

Miss Universe Myanmar, hinangaan sa performance niya sa evening gown competition

- Sa kabila ng hindi magandang nangyari sa kanya ay maayos na naitawid ni Miss Universe Myanmar ang kanyang performance sa evening gown competition

- Bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa kanyang mga kababayan kundi maging mula sa iba't-ibang pageant fans sa ibang bahagi ng mundo

- Kagaya sa kanyang orihinal na evening gown na nakatakda sana niyang suotin sa kompetisyon, kulay pula din ang kanyang ginamit

- Matatandaang naglabas ng hinaing si Miss Universe Myanmar matapos mawala ang kanyang bagahe kung saan nakalagay ang kanyang evening gown

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Todo suporta ang marami sa mga kababayan ng pambato ng bansang Myanmar sa Miss Universe 2020 competition.

Ito ay sa kabila ng aberyang naganap kaugnay sa pagkawala ng kanyang bagahe.

Miss Universe Myanmar, hinangaan sa performance niya sa evening gown competition
Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin (@thuzar_wintlwin)
Source: Instagram

Kagaya sa nawala niyang gown na susuotin sana niya sa evening gown, pula din ang kulay ng kanyang sinuot sa katatapos lang na evening gown competition.

Read also

Miss Universe Myanmar, problemado matapos mawala ang kanyang bagahe

Matapos nga ang pagkawala ng kanyang bagahe, marami ang nagpaabot ng kanilang kagustuhang tulungan si Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin at kabilang sa mga ito ay ang Filipino designer ni Rabiya Mateo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami sa kanyang mga kababayan ang naghayag ng kanilang suporta lalo sa magandang performance ng kanilang pambato sa kabila ng hindi inaasahang pangyayari.

Maging ang mga pageant fans mula sa iba't-ibang bansa ay nagpakita din ng suporta sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakatakdang maganap ang Miss Universe 2020 coronation night sa darating na May 16, 2021 sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, United States. Ang ika-69 na edition ng Miss Universe ay naantala dahil sa pandemya. Nakatakdang ipasa ni Zozibini Tunzi ng South Africa ang korona sa tatanghaling Miss Universe 2020.

Read also

Heart Evangelista, masayang binahagi ang litrato ng kanyang mommy at asawa

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kasama si Miss Universe Myanmar sa kandidatang palaging kasama ng pambato ng Pinas na si Rabiya Mateo. Kamakailan lang ay pinakita ni Rabiya na tinuruan niya ng mga salitang Tagalog sina Miss Japan. Kiss Korea at Miss Myanmar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel