Batang nag-aararo na umantig sa puso ng marami, binalikan na ng kanyang ina

Batang nag-aararo na umantig sa puso ng marami, binalikan na ng kanyang ina

- Binalikan na ng kanilang ina ang batang si Reymark na napanood sa Kapuso MO, Jessica Soho

- Naging madamdamin ang pagtatagpo nila lalo na at humingi ng tawad ang ina sa mga anak niyang iniwan sa pangangalaga ng mga lolo at lola

- Masaya man si Reymark sa pangyayaring ito, aminadong nalulungkot din dahil sa ilang panghuhusga ng tao sa kanyang ina

- Nais namang makabawi ng ina ni Reymark sa kanyang mga anak para na rin patunayan sa mga tao na ito ang mahalaga sa kanyang pagbabalik

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos maisa-ere noong Mayo 23 ang nakakantig pusong kwento ni Reymark Mariano, napakaraming pagbabago na ang nangyari sa kanyang buhay sa loob ng isang linggo.

Nalaman ng KAMI na dinagsa ito ng tulong mula sa mga taong nakapanood ng kanyang kwento.

Read also

Mga OFW, nakalikom ng malaking halaga ng pera na ipadadala nila kay Reymark Mariano

Bukod dito, hindi rin inaasahan ni Reymark na magbabalik na ang kanyang ina.

Batang nag-aararo na umantig sa puso ng marami, binalikan na ng kanyang ina
Photo: Reymark Mariano (Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Naging emosyonal ang mag-ina sa muli nilang pagkikita lalo na at humingi pa ng tawad ang ina sa mga pagkukulang niya kina Reymark.

Masaya ang bata sa pagbabalik ng ina lalo na kaarawan pa raw nito nang araw na iyon, subalit nalulungkot din umano siya dahil may ilang mga tao na humuhusga sa nanay niya.

"Hindi po ako naghahabol ng pera, ang importante ang mga anak ko," paliwanag naman ng ina ni Reymark.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa ngayon, tigil na raw pag-aararo si Reymark tulad ng kanyang kabayong si Rabanos na kanya na lamang aalagaan dahil mayroon na itong kapalit.

Labis ding nagpapasalamat ang bata sa napakaraming tulong na kanyang natanggap.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

10-anyos na batang nag-aararo para makatulong sa pamilya, hinangaan ng netizens

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nagpaluha sa maraming netizens ang kwento ng 10 taong gulang na si Reymark Mariano na napanood sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Marami ang humanga sa kasipagan ni Reymark na nag-aararo at nagsasaka sa kabila ng kanyang murang edad kaya naman marami siyang natanggap na tulong.

Maging ang mga kababayan nating OFW ay nakalikom ng malaking halaga para lamang maibigay sa batang si Reymark na nararapat lamang na tulungan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel