PNP Chief Eleazar, gigil na gigil na kinausap ang pulis na namaril ng 52-anyos na babae sa QC

PNP Chief Eleazar, gigil na gigil na kinausap ang pulis na namaril ng 52-anyos na babae sa QC

- Hindi nakapagpigil ng kanyang emosyon si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar nang makaharap na niya si Police Master Sgt. Hensie Zinampan

- Si Zinampan ang pulis na umano'y namaril ng isang 52-anyos na babae sa Fairview Quezon City

- Sa video, makikita ang galit sa bagong talagang PNP chief habang kinakastigo si Zinampan

- Siniguro rin ni PNP Chief Eleazar na matatanggal agad sa pwesto ang pulis at siya mismo ang tututok sa kaso hanggang makamit ng pamilya ng biktima ang hustisya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gigil na gigil at talagang hindi na nakapagtimpi pa si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar nang makaharap na niya si Police Master Sgt. Hensie Zinampan.

Nalaman ng KAMI na si Zinampan ang suspek sa pamamaril umano ng isang 52-anyos na babae sa Fairview Quezon City.

Sa video na ibinahagi ni Raffy Tima ng GMA News, makikita kung paano kinastigo ni Eleazar si Zinampan.

Read also

43-anyos na ina na may 20-anyos na anak, kinainggitan umano ni Kelly Clarkson

PNP Chief Eleazar, gigil na gigil na kinausap ang pulis na namaril ng 54-anyos na babae sa QC
Photo: PNP Chief Gullermo Eleazar (General Guillermo Eleazar)
Source: Facebook
"Tumingin ka nga sa'kin, anong iniisip mo 'nung ginawa mo 'yun?"
"Sumagot ka! May pamilya ka ba? may asawa ka? may anak ka?"
"Anong tingin mo sa ibang tao ha? para gawin 'yun?"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mabilis na nag-viral ang video na kuha mismo ng kaanak ng biktimang si Lilybeth Valdez.

Sinasabing nasa impluwensyo ng alak si Zinampan na nakuha pa umanong itanggi ang pamamaril sa kabila ng mabigat na ebidensya.

Sa naunang pahayag naman ni Eleazar, nangako itong tututukan niya mismo ang kaso laban sa pulis hanggang sa makamit na ng pamilya ni Valdez ang hustisya sa pagkamatay nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

CAMback is real: John Lloyd Cruz, kumpirmadong mapapanood sa GMA Network

Hindi nalalayo ang kaso ni Zinampan sa nag-viral din na pamamaril ng dating pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio bago matapos ang taong 2020.

Ilang oras matapos na magawa umano ang karumaldumal na krimen, sumuko rin ito sa pulisya. Nahaharap sa kasong double murder ang dating pulis na siyang akusado sa kaso.

₱70 million na danyos din ang ipinababayad kay Nuezca bukod pa sa kanyang pagkakakulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica